Chapter 19

1.3K 17 2
                                    

[Chapter 19]

Third Person's Pov:

Dire-diretsong tinungga ni Kharl ang bote ng alak at bahagyang napakunot noo nang humagod ang likido ng alak sa kaniyang lalamunan. Hindi niya akalaing masasaktan siya nang ganito ng dahil lang sa babae. He's never been like this before. Lahat ng mga babaeng natitipuhan niya ay agad niyang nakukuha but not like Jianna. The woman he's wooing for. He really likes her. Hindi siya masasaktan ng ganito kung hindi niya gusto ang isang babae. Hindi siya maglalasing nang ganito kung hindi dahil kay Jia na binasted siya.

Nang makauwi siya ng mansyon ay agad niyang hinanap ang amoy at lasa ng alak kaya agad siyang dumiretso ng kusina para maghanap ng alak at nang mahanap ang kaniyang kailangan ay agad siyang pumwesto sa mini garden ng mansyon kung saan dito din isinasagawa ang mga pagtitipon gaya ng selebrasyon ng kaarawan, pasko at new year.

Hawak-hawak sa kanang kamay ang bote ng alak. Magulong buhok at bahagya pang nakabukas ang kaniyang suot na polo shirt. Nagkalat din sa ibabaw ng lamesa ang iilang bote ng alak at upos ng sigarilyo.

Sa kabilang dako naman ay binati ng iilang maids ang bagong dating nilang amo na sila Natasha at Jarren kasama ang kanilang anak na babae. Galing silang Europa dahil doon ginanap ang pag-launch ng bagong produkto ng kompanya. Isa ang kompanya ng mga Montefiore sa naglalakihan at kilalang company industry sa iba't ibang bansa kasama na ang pilipinas. Si Jarren ang magmamana nang lahat ng negosyo ng kaniyang ama dahil na din sa nag-iisa siyang anak na lalaki ni Martin Montefiore.

"Magandang gabi ho ma'am, sir!" Wika ng mayordoma na taga-pamahala sa buong kasambahay at taga-pangasiwa. Bahagya pa itong yumuko sa harap ng mag-asawa bilang pagbati at paggalang.

"Magandang gabi din ho manang Lusing! Pakisamahan niyo ho si Krista sa kaniyang kwarto at mukhang inaantok na."

"Sige ho sir Jarren. Halika baby Krista samahan kita papuntang kwarto mo."

"Manang didn't I told you not to call me baby Krista? Just call me Krista! I'm not a baby anymore." May pagmamaktol at maarteng saad ng bata.

Natahimik naman ang mayordoma at tumango-tango. Nagkatinginan naman ang mag-asawa sa inasta ng anak nila. Ngumisi lamang si Natasha habang naka-krus ang magkabilang braso.

"Krista!" Maawtoridad na ani Jarren at tinitigan ang anak.

"Sorry daddy..." Biglang umamo ang mukha ng bata bago lumipat ang tingin sa ina.

"It's okay honey. Just go to your room now." Malambing na bigkas ni Natasha at hinaplos ng marahan ang pisngi ng anak.

Inaya na ni Manang  Lusing ang bata paakyat sa kwarto nito. Akmang susunod dito si Natasha ng tawagin siya ni Jarren. Mabilis siyang lumingon dito habang nakatingin lang sa kaniya ang asawa.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong ni Natasha sa asawa. Umiling-iling naman ang lalaki na tila ba hindi niya nagustuhan ang ginawi ng anak nila.

"You should teach her a good attitude and respect for elders, Natasha. Hindi na ako natutuwa sa inaasal niya. She's not growing any younger. Turuan mo nang magandang asal ang anak mo." anito at tinitigan siya ng masama. Ngumisi lamang si Natasha sa sinabi ng asawa.

"I know how to discipline our child, Jarren. You don't have to worry about how I discipline her. I know what to do and not to. Bata pa siya, Jarren. Hindi niya pa alam ang ginagawa niya kaya pagpasensyahan mo na lang muna."

Bumuntong hininga lamang si Jarren bago muling napailing-iling habang sapo ang noo. Nagkibit-balikat na lamang si Natasha at aalis na nang dali-daling lumapit sa kanila ang isang maid.

"Ma'am... Sir... Pasensya na po kung naistorbo ko ho kayo. Si sir Kharl ho kasi," nagkakamot sa ulong wika ng maid. Nagkatinginan naman silang mag-asawa.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon