Chapter 14

1.4K 16 0
                                    

{Chapter 14}

"Anak...Jia...halika muna dito!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa harap ng bahay. Andito kasi ako sa likod ng bahay at inaayos ang mga nalantang halaman ni mama. Mahilig din kasi akong magtanim ng mga halaman. Nagagandahan kasi ako sa kanila lalo na kapag namumulaklak na. Nakakagaan ng pakiramdam.

"Bakit ma?" sigaw ko pabalik. Sinilip ko naman mula sa bintana dito si Kalie. Nag-eenjoy siya sa paglalaro ng mga binili kong laruan at mga natanggap niyang regalo noon. Nilinis at tinago ko muna ang mga ginamit ko sa pagtatanim bago naghugas ng kamay at pumunta kay mama. Agad naman niya akong nakita.

"Halika dali!"

Dumako ang tingin ko sa ginang na kaharap ni mama. Sa palagay ko'y magkasing edad lang silang dalawa at close na close sila sa isa't isa. Isa rin kasi sa ugali ni mama ang gustong-gusto ko sa kaniya is friendly siya. Yung tipong kahit sinong makausap niya o makasalubong sa daan eh comfortable siya. Yung tipong ang tagal niyo ng magkakilala ganun siya kapag nakaharap mo si mama. Ngumiti ako sa ginang ng tignan niya ako.

"Sakto mare, naghahanap kasi itong anak ko ng mapapasukang trabaho. Sa tingin ko pwede siya doon sa bakanteng trabaho sa pinagtatrabahuan ng anak mo." Magiliw na wika ni mama sa ginang. Nakangiti lang ako habang palipat-lipat ang tingin ko kay mama at sa ginang.

"Ma...nakakahiya baka..."

"Anong nakakahiya? Hindi ba naghahanap ka ng trabaho?"

"Oo p--"

"Oh eto na yun. Tsaka itong si mareng Tinay naghahanap ang anak niya ng katrabaho doon sa pinagtatrabahuan nitong mall hindi ba mare?"

"Oo mare. Sa tingin ko pasok ka naman sa standards nila iha. Ano nga bang pangalan mo?"

"Jia, ho." I smiled genuinely.


∆•∆•∆•∆•∆

"

Jia, halika bili muna tayo ng makakain sa baba. Nagugutom na kasi ako." Ani Selestine habang nagliligpit ng mga damit na hindi naman binili ng customer niya kanina. Siya yung anak ni aling Tinay na naghahanap ng katrabaho at sa awa ng diyos ay natanggap naman agad ako. Pangatlong araw ko na dito bilang isang sales lady at so far maganda naman ang trabaho dito medyo hussle nga lang dahil maghapon kang nakatayo at ngingiti sa mga customers kahit na may ibang customers na hindi naman bibili pero titingin-tingin lang ng mga paninda dito sa store.

Tumayo naman ako at nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan kaya sinang-ayunan ko na din ang gusto niya.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko habang naglalakad kami. Sumakay kami ng escalator para mapabilis kaming makababa since masakit na din ang paa ko sa taas ng sapatos na suot ko. Ang uniform namin ay kagaya ng uniform ng mga flight attendant. Kulay blue dress na may belt sa bandang puson at nakapusod din ang mga buhok namin.

"Dyan lang sa may tabi at lagi kong pinupuntahan kapag break time. Masasarap ang tinda doon at sigurado akong magugustuhan mo." Aniya at ngumiti pa sa'kin. Naiilang naman akong ngumiti pabalik. Wala akong pera ngayon. Sakto lang para pamasahe mamaya pag-uwi ko. Kung gagastuhin ko iyon ay baka maglakad ako pauwi. Masakit pa paa ko. Nahihiya naman akong magsabi sa kaniya. Mabait naman si Selestine at palakaibigan. Maganda din siyang kumausap sa mga customers para makabenta kami sa isang araw.

Magkasing-tangkad lang kami. May pagkamistisa din siya at maganda ang katawan. Feeling ko nga ay ligawin siya dahil sa magandang postura ng kaniyang mukha. Maamo sa madaling salita.

"Selest ano kasi...uhmm..." Nauutal kong tugon kaya agad siyang napalingon sa akin.

"Bakit?"

Nahihiyang nag-iwas na lang ako ng tingin.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon