Chapter 35 (Beginning)

1.5K 18 0
                                    

{Chapter 35}

After 10 years...


Kalie's Pov:

"Congratulations apo! Proud na proud ako sa'yo apo ko." bati ni Lola nang makababa ako ng stage.

"Salamat la," tugon ko at niyakap siya.

"Kung nasaan man ngayon ang mama mo sigurado akong proud na proud siya sa'yo."

Mapait akong ngumiti sa sinabi niya. It's been a years but I already missed her so much. Araw-araw ko siyang namimiss at walang araw na hindi ko siya naiisip.

Siguro kung naagapan nang mas maaga na may sakit siya... Siguro kasama ko pa siya ngayon... Siguro sabay naming ididiwang ang pagtatapos ko ngayon ng kolehiyo.

You always been in my heart, ma. I missed you!

"Congratulations sa maganda at matalino naming pamangkin..." masiglang bati ni Tita Therina sabay abot ng flowers and gift sa'kin. Naluluhang niyakap ko naman siya.

"Salamat po, Tita!"

"Oh, bakit mukhang naiiyak ka?"

"Tears of joy lang po ito, Tita. Masaya po ako kasi kahit wala si mama nandiyan pa rin po kayo para sa'kin." Naiiyak kong tugon.

"Aww, don't say that. Pamilya tayo kaya bakit ka namin pababayaan gayong napakabait at maganda kang anak ni Jia? We were always here by your side, Kalie. Wala man dito physically ang mama mo but I'm sure kung nakikita ka man niya ngayon super proud siya sa'yo. Mahal na mahal ka ng mama mo at mahal ka din namin." aniya habang hinahaplos ang likod ko.

Tumawa naman ako para mawala ang kung ano mang namamayaning kalungkutan sa loob ko.

"Halika na at may hinanda kaming kaunting salo-salo sa bahay." ani Lola.

Sumang-ayon naman na kami sa kaniya dahil nagugutom na rin ako. Pagdating namin sa bahay ay nagsisimula na ang kasiyahan. Kasama ang mga pinsan ko na anak nila Tita Therina at Astrea na masayang nagkakantahan sa labas ng bahay. Ang mga asawa din nila ay nag-iinuman sa bandang gilid kasama ang mga tatay din dito sa lugar namin.

Si Tita Therina at Lola ang sumama sa'kin habang si Tita Astrea naman ay naiwan dito sa bahay kaya naman nang makita ako ay agad niya akong sinalubong nang mahigpit na yakap.

"Congratulations pamangkin ko," aniya.

"Salamat po Tita..."

"Siya nga pala mamaya ko na ibibigay ang regalo ko at heto busy pa ako kanina sa pagluluto. Balita ko Cum laude ka daw?"

Nangingiting tumango ako sa kaniya.

"Wow! I'm so proud of you! I'm sure your mom too in heaven." aniya.

"Oo nga po kung sana kasama pa natin siya ngayon para magcelebrate." sabi ko na halos ibulong ko na sa hangin.

"Ano ka ba, nandito pa naman kami. Graduation mo kaya dapat lang na icelebrate natin ang araw ng pagtatapos mo. Don't be sad na, hmm?"

"Okay po."

Nagpaalam muna ako sa kaniyang magbibihis bago ako kakain. Dala ang flowers at gifts na bigay ng mga friends ko kanina ay inilapag ko ang mga ito sa kama ko. Hinubad ko ang suot na toga at naghanap ng damit na maisusuot. Naupo ako sa harap ng salamin at tinignan ang repleksiyon ko dito.

Inayos ko ang kinulot kong buhok at itinali ito pataas. Tinanggal ko lang din ang foundation na nilagay sa mukha ko at nagretouch nang kaunti.

Matapos kong mag-ayos ay bumaba ang tingin ko sa album na bigay noon sa'kin ni mama sa ospital.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon