Chapter 24

1.2K 18 0
                                    

{Chapter 24}

Nakarating kami sa kabilang kalsada kung saan maraming mga batang naglalaro kasama ang kani-kanilang pamilya. May nagpipicnic din at may couples din sa gilid-gilid. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak ni Nezro at pasimple ko iyong binawi dahilan para lingunin niya ako. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at naghanap ng pwestong mauupuan. Sinundan naman ako ni Kalie kaya pinaupo ko siya sa lap ko.

"Maganda dito. Malayo sa perya." rinig kong sabi niya habang umuupo sa tabi ko.

Pinanood ko ang mga batang masasayang naghahabulan at mga taong may sari-sariling mundo sa ginagawa. May mga nagtitinda din gaya ng Ice cream, pop corn at kung ano-ano pa.

"Galit ka pa rin ba?" Hindi ko siya nilingon at ibinaling sa ibang direksyon ang tingin ko.

"Hindi naman ako galit," saad ko dahilan para marinig kong bumuntong hininga siya.

"Hayaan mo na, pera lang yun. Magagawan pa ng paraan. The most important thing is you enjoyed." Nilingon ko siya sa sinabi niya at nginitian ako.

"Mama..." Bumaling ang tingin ko kay Kalie.

"Yes, baby?"

"Nawiwiwi po ako," aniya dahilan para magkatinginan kami ni Nezro.

"Gano'n ba? Sige, halika maghahanap tayo ng lugar kung saan tayo pwede mag-cr." ani ko at tumayo na..

"Samahan ko na kayo,"

"Hindi na. Dito ka na lang muna."

Napakamot naman siya sa noo niya.

"Ahhh s-sige. Bibili na lang ako ng makakain natin pagbalik niyo."

"Sige," ani ko at tumango. Umalis naman na kami ni Kalie para maghanap ng lugar kung saan pwede mag-cr. Luckily, may Mcdo sa unahan kaya mabilis kaming pumasok sa loob at dumiretso ng cr. Mabuti na lang at walang mahabang pila kaya agad kaming pumasok sa isa sa mga cubicle doon.

Itinaas ko ang suot niyang dress at binaba ang short na isinapaw ko kanina sa kaniya bago siya paupuin sa inidoro
Nang matapos kami ay bumalik kami sa lugar kung saan kami nakapwesto kanina. Napansin kung ang kulay kahel sa buong paligid kaya napangiti ako ng makitang papalubog na pala ang araw.

"Bakit ka po nakasmile, mama?"

Nilingon ko naman si Kalie at masuyong hinaplos ko ang pisngi niya.

"Papalubog na kasi ang araw anak. Alam mo bang favorite ko ang makakita ng sunset?"

Nakita ko naman ang pagkamangha sa mga mata niya sa sinabi ko.

"Sunset po?"

"Opo. Yung papalubog na araw. Hayaan mo sa susunod makakakita ka din noon and you will love it to see it too, anak."

"Talaga po?" Nakangiting tumango lang ako sa kaniya. Napatingin ako sa relo ko at maga-ala sais na ng gabi. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin si Nezro. Amg tagal naman ata niya. Ano bang klaseng pagkain binili nun at hindi na nakabalik.

 Ano bang klaseng pagkain binili nun at hindi na nakabalik

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon