Chapter 16

1.5K 19 0
                                    

{Chapter 16}

"Oh tulala ka diyan ante"

Nilingon ko naman si Selest ng magsalita siya bago umupo sa tabi ko. Inabot naman niya sa'kin ang binili niyang palamig.

"Salamat." Inangat ko pa ng bahagya ang inabot niyang palamig at tinanguan lang niya ako bago sabay kaming sumipsip doon gamit ang straw.

Kasalukuyan kaming nandito sa tabi ng mga nagtitinda ng mga street foods. Alas kuwatro pa lang ay off na namin kapag friday kaya dito kami tumatambay ni Selest bago umuuwi. Tahimik lang akong sumisipsip sa straw ng palamig ko ng sikuhin ako ni Selest kaya napalingon ako sa kaniya.

"Kanina pa kita napapansing tahimik ah? Okay ka lang? May problema?" Sinulyapan niya lang ako saglit bago isinubo ng buo ang tatlong maliliit na kwek kwek. Ang laki ng bunganga niya dahilan para simple akong mapangiti habang nginunguyanguya niya ito.

"Wala. Lagi naman akong may iniisip."

Inubos ko ang palamig habang nakatingin at pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan at ang mga taong nagsisiksikan. Muli akong napalingon sa katabi ko ng sikuhin niya ako.

"Siya nga pala, bakit kaya hindi na nagpupupunta dito si Kharl? Nag-away ba kayo?" Sandali niya akong sinulyapan bago ubusin ang sawsawan ng kwek kwek niya.

"Hindi naman. May nasabi lang siguro ako na ikinatampo niya. Alam mo naman syempre bata pa kaya ganoon pa mag-isip." Wika ko at tinapon ang plastic sa katabing trash can.

Kunot-noo niya akong tinignan.

"Anong bata ka diyan pinagsasasabi mo ante? Kaya na nga bumuo ng bata sa sinapupunan mo eh. Kung tutuuusin kaya na nun mambuntis ikaw lang 'tong may ayaw. Bata bata ka diyan." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at mahinang tinampal ang braso niya.

"Hoy, ikaw talaga! Ayusin mo nga iyang pinagsasasabi mo baka may makarinig sa'yo dito, ano ka ba naman?" Ani ko at simple siyang kinurot na ikinadaing niya lang.

"Alam mo ikaw pakipot ka lang dun eh."

"Anong pakipot? Hindi kaya! Ba't naman ako magpapakipot kung sa umpisa pa lang hindi ko siya type? Atsaka bata pa yun. Marami pa siyang makikilalang magagandang babae diyan. Yung walang sabit at higit sa lahat yung wala pang anak."

Nilingon naman niya ako sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Hindi ako pumapatol sa mga bata. Atsaka hindi ko siya type at mas lalong hindi kami pwede.

"Ahhh kaya pala...binasted mo. Binasted mo kasi may anak ka."

Naguguluhan ko siyang tinignan. Napangisi naman siya sa sinabi niya.

"Alam mo ang labo mo din eh. Ikaw na nga itong nilalapitan ng grasya, tinanggihan mo pa. Tsk. Tsk. Tsk." Napailing-iling pa siya. Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ako pa talaga itong malabo ah? Concern lang ako sa kaniya. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya if ever na nagkatuluyan kami? Kesyo sa dami ng babae diyan doon pa siya pumatol sa may anak na? Ayokong mangyari yun, Selest. Alam ko din naman na may pangarap pa siyang kailangan niyang abutin."

"Suss palusot mo... Ang sabihin mo mahal mo pa ang tatay ng anak mo," aniya at bahagya pa akong tinusok sa tagiliran ko. Inismiran ko lang siya.

Ako? Mahal pa si Jarren? Oh my god! Next joke please! Minsan lang siyang naging bahagi ng buhay ko at ayoko ng maulit pa iyon. Mula ng maisilang ko si Kalie kinalimutan ko na siya. Hindi na siya nag-eexist sa'kin. Wala na nga akong pakialam kung buhay pa ba siya o may sarili na ring pamilya. Wala na akong pakialam sa kaniya kung nasaang lupalop man siya ng pilipinas ngayon basta ba nasa akin ang anak ko. Wala akong dapat iproblema.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon