Chapter 10

1.9K 24 1
                                    

{Chapter 10}

Buong araw akong nag-enjoy sa pamamasyal. Ginabi na kami ng uwi dahil sa dumaan pa kami ng Amusement park at nag-ikot ikot lang. Gustuhin ko mang sumakay ng mga rides ay hindi pwede dahil baby pa si Kalie tsaka na lang siguro kapag malaki laki na siya at pwede ng sumakay ng iba't ibang rides doon.

"I hope you enjoyed the day, Jia." Nilingon ko lang si Nezro at tumango.

"Yeah! I enjoyed it. Kahit na hindi tayo nakasakay ng rides." May bahid ng lungkot sa boses kong iyon na nakapagpalingon sa kaniya. Nauna siyang maglakad papasok sa bahay at dumiretso sa kusina para ilagay ang mga pinamili naming grocery kanina.

"Well, that's okay. Pwede pa naman nating ulitin 'yon kapag malaki na at pwede na si Baby Kalie eh." Tumango na lang ako at nakapikit na umupo sa couch.

This day was exhausting yet enjoying. Pakiramdam ko buong katawan ko pagod na pagod sa kaganapan ngayong araw.

"Gusto mo pa bang kumain? May ulam pa tayong natira sa ref." Iminulat ko ang mga mata at tinignan si Nezro.

"Busog na ako. Bukas na lang ako kakain." saad ko sa inaantok na tinig.

"Gusto mo bang buhatin ko si Kalie papunta sa kwarto mo? Mukhang pagod na pagod ka eh."

"Uhmm..." Marahang tango ko. Nakapikit pa din. Inaantok man ay pinilit kong tumayo para umakyat sa kwarto. Nahiga na agad ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Pakiramdam ko kasi kapag sinubukan ko pang imulat ay titiklop lang ang mga talukap ko.

"Jia, you know you can't sleep without changing your clothes. Get up and take a quick shower." Pinat pa ni Nezro ang hita ko't pilit na pinapatayo. Gumalaw lang ako at umiling-iling.

"Bukas na lang. I'm so tired, Nez."

"Isa...tatayo ka dyan o hihilahin kita dyan papuntang banyo?"

"Eh..."

"Dalawa...tatayo ka dyan o sasamahan kita sa loob ng CR?"

Wala pang ilang minuto ay agad akong napabangon sa sinabi niya. Pilit kong minumulat ang mga mata ko at nakita ko siyang bumubungisngis ng tawa.

"Anong sabi mo?"

Pilit naman niyang pinipigilan ang tawa niya at umiiwas ng tingin.

"Ano ulit 'yun?"

"Wala. Sabi ko magpalit ka muna ng damit bago ka matulog."

"Hindi 'yan. Said it again."

"Said what?"

"Yung sinabi mo?"

"Na?"

Tumayo na ako't nilapitan siya. Hindi naman siya umatras at nanatiling nakatayo. Ngayo'y magkalapit na kami sa isa't isa at bahagya pa akong tumingala sa gwapo niyang mukha.

"Said it again to me now." I said seriously while looking at his warm brown eyes.

Nanatili lang kaming magkatitigan sa isa't isa hanggang sa tampalin niya ng mahina ang pisngi ko kaya napakurap kurap ako ng ilang beses.

"Stop what you're thinking, Jia. Go and take a shower." Anito at kumindat pa bago tumalikod at lumabas ng kwarto.

Arghh! That guy he's so ugh! Nakakainis naman. Kung sinabi niya lang ulit iyon edi sana magkasama na kami ngayon sa loob ng Cr pero syempre eme eme lang 'yon noh. Kayo naman hindi mabiro pero in fairness kinilig na ako doon eh. Naudlot nga lang. Shemss!

∆•∆•∆•∆•∆

Two years later...

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon