Chapter 2

2.9K 52 2
                                    

{Chapter 2}

"Sigurado ka bang kaya mo? Pwede namang ako na lang ang bumili ng mga kailangan mo ilista mo na lang kung may ipapadagdag ka." suhestyon niya habang pababa kami ng hagdan.

Ngayong araw kami bibili ng mga gagamitin at mga kakailanganin ko kung sakaling manganak ako. Kagabi niya pa ako kinukulit na wag na daw akong sumama at siya na lang daw mag-isa ang lalakad.

"Nez naman wala akong gagawin dito sa bahay mo. Atsaka hindi ba't sinabi ng doktor na mas mainam sa buntis ang maglakad-lakad para hindi ako mahirapan sa panganganak? Ikaw na rin ang nagsabi niyan noon pa tapos ngayon ayaw mo akong pasamahin." Nakangusong ani ko habang inaalalayan niya ako pababa.

"Ehh baka kasi sa gitna ka pa nang kalsada manganak. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali acclaa." Nakanguso ring aniya.

Huminto ako nang makababa na kami sa may kataasang hagdan. Hinarap ko siya at hinawakan ang balikat niya.

"Nez promise hindi ako masyadong maglililikot. Ayokong nag-aalala ka sa'kin eh kaya tara na?"

Nakita kong napabuntong hininga siya sa sinabi ko bago ngumiti sa'kin kaya nginitian ko na lang din.

"Okay. Wala na rin naman akong magagawa. Ang kulit mo din kasi. 'Wag lang sanang mamana ng inaanak ko ang katigasan ng ulo mo." Pairap niyang aniya. Mahina akong natawa sa sinabi niya bago kami umalis ng bahay ay sinigurado niya munang nakalock at nakasarado lahat ng pinto at bintana. Delikado na daw ang panahon ngayon aniya.

May nadaanan kaming Ice cream-an at drive thru. Nagpabili ako ng Ice cream at french fries. Natatawa ako sa itsura niya habang enjoy na enjoy ako sa pagkain ko.

"Gusto mo?" alok ko sa kaniya na mabilis naman niyang inilingan.

"I swear baka kulang pa yan sa inyo ng inaanak ko. Kung may ipapabili ka pa just tell me para mabili ko agad."

Hindi ko siya pinansin at mas nagpokus ako sa pagkain ko ng french fries at isinasawsaw ko sa ice cream.

Nang makarating kami ng mall ay nagparking muna siya bago niya ako inalalayang bumaba.

"Saan mo gusto nating unahin?"

Nakatingin lang ako sa kaniya kaya naman natigilan din siya.

"Tara sa baby's section." Nakangiting aniya ko bago siya tumango.

Maingat naman kaming sumakay ng escalator at nasa gilid ko lang siya. Maraming tao ngayon sa mall dahil sabado at araw ng sweldo. May iilan din akong nakitang magjowa sa mga gilid gilid at mga pamilyang masayang nag-iiikot.

Masaya at nakangiti ako habang nawiwili sa kakapili ng mga gusto kong damit ng anak ko. Napalingon ako kay Nezro ng bahagya siyang lumapit sakin dala ang mga napili niyang iba pang gamit.

"Piliin mo lahat ng gusto mong bilhin para kay baby ako ng bahala." Nakangiting anito sabay lagay ng mga napili niya sa cart na hawak ko.

Tumango lang ako bago pumunta sa mga crib. Kinuha niya sa'kin ang Cart at siya na ang nagtulak. Hindi ko naman naiwasang mapangiti sa mga kaunting bagay na ginagawa niya para sa'kin at kay baby.

("Ang sweet talaga ng Tito Nezro mo anak. Kung sana siya na lang ang naging tatay mo.")

Nagpatuloy kami sa pamimili ng mga gamit ni baby hanggang sa pumunta na siya ng counter para bayaran lahat ng mga pinamili namin. Hinintay ko lang siyang makalabas bago kami dumiretso sa kotse at nilagay lahat ng mga binili namin.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya matapos niyang mailagay lahat ng mga pinamili namin sa sasakyan.

"Kahit saan basta masarap." ani ko.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon