Chapter 26

1.2K 16 1
                                    

{Chapter 26}

"Aalis ka na ba?" tanong ko habang nililigpit ang mga pinagkainan namin. Hindi na ako umangal ng tulungan niya rin akong magligpit at ilagay iyon sa lababo.

Umangat ang tingin ko sa kaniya nang hindi siya magsalita.

"Uhh, yeah. Salamat nga pala kagabi 'tsaka sa almusal ngayon." Ngumiti ako sa kaniya bago muling ilagay ang mga hugasan sa lababo at hinarap siya.

"Wala 'yon. Maliit na bagay kumpara sa naitulong mo sakin."

Ipinilig niya ang ulo niya bago ako balingan ng tingin.

"Before I forgot, ano 'yong pag-uusapan sana natin? Sabi mo kasi may pag-uusapan tayo and 'yon ang dahilan ba't ako pumunta dito kagabi..." anito. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Oo nga pala! Yung about sa video na kumakalat ngayon sa internet. Well, that's matter? Wala naman siguro 'yon sa kaniya.

"Uhh, oo nga pala. May kumakalat kasi sa internet na video no'ng nag-away kayo ni Kharl... Sabi ko baka makaapekto 'yon sa'yo. Pero hayaan mo na hi–"

"I already know about that and I call my friend to remove that video on internet. Don't worry about it." Ngumiti naman ako sa kaniya.

Sinamahan ko siya hanggang sa labas ng gate. Pumunta siya sa likod ng kotse niya at may kinuha doon bago lumapit sa akin.

"For Kalie," anito bago iabot sa'kin ang mga paper bags. Sinilip ko naman iyon nang nakakunot noo.

"Para saan 'to?" Napakamot siya sa ulo niyang nakatingin sa'kin.

"Gifts? I don't know, just give it to her. Alam kong magugustuhan niya 'yan."

"Nezro, hindi mo kailangang bigyan ng mga ganito si Kalie. Baka masanay ang bata at hanap-hanapin niya..."

"It's okay. Actually, maybe that's the last gift na maibibigay ko sa kaniya..." aniya na halos pabulong na ang huling sinabi niya kaya hindi ko masyadong narinig.

"I gotta go, Jia. Ingat kayo dito." anito bago ako lapitan at patakan ng halik ang noo ko.

Natigilan naman ako at halos matuod sa kinatatayuan ko.

"Bye," nginitian ko lang siya.

I was just there standing and watching him disappear in my vision. What was that kiss in the forehead, Nezro?

∆•∆•∆•∆•∆

Dumaan ang ilang araw, linggo, buwan hanggang sa naging isang taon na. I find it weird dahil hindi ko na makontak si Nezro. Hindi niya sinasagot lahat ng tawag ko even my messages. Hindi ko maiwasang magtaka dahil ngayon lang ito nangyari na naglaho siya na parang bula. Nang walang paramdam...

Lumipas ang ilang taon at nasaksihan ko ang paglaki ng anak ko. Ngayon ay malaki na siya.  Sa loob ng ilang taon na walang paramdam sa'kin si Nezro marami ang nangyari na hindi ko inaasahan. Nagkasakit si papa. Lumala ang diabetes niya kaya kinailangan na putulin ang dalawa niyang paa at ngayon nga'y nakaupo siya sa wheel chair. Nag-iba na din ang ugali niya simula ng madiagnose siyang may diabetes.

Laging mainit ang ulo niya at madalas na walang kibo. Kaya hangga't maaari iniintindi siya namin ni mama. Ako lagi ang naiiwan dito sa bahay kapag may pasok sa eskwelahan si Kalie para mag-alaga kay papa. Laging wala dito si mama at ang lagi naman niyang sinasabi sa'kin ay maghahanap daw siya ng pwedeng mautangan para ipambili ng gamot at maintenance ni papa. Gustuhin ko mang magtrabaho hindi maaari dahil walang mag-aasikaso sa anak ko at kay papa.

Paminsan-minsan naman ay dumadalaw dito ang mga ate ko at kung minsa'y nag-aabot ng pera para kay papa. Minsan ngang umuwi si mama ng gabing-gabi at bagsak ang magkabilang balikat.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon