Chapter 3

2.7K 54 3
                                    

{Chapter 3}

Naalimpungatan ako dahil sa silaw ng araw na nanggagaling sa siwang ng bintana dito sa kwarto. Kinusot ko ang mata ko at marahang bumangon. Napalinga-linga ako sa paligid nang makaramdam ako ng biglaang pag-ikot ng paningin ko. Nahihilo ako. Para akong nasusuka na hindi ko maintindihan. Tinakpan ko ang bibig ko ng umaksyon ako na susuka at mabilis na pumunta sa banyo.

"Awrghhh..." Tuloy-tuloy kong suka sa bowl. Sinalikop ko lahat ng buhok ko at nilagay sa kabilang balikat habang sumusuka.

Ang sakit ng lalamunan ko matapos akong sumuka. Naghilamos na din ako bago inayos ang kama at bumaba para mag-almusal. Halos araw-araw at umaga pagkagising ko talaga ako nagsusuka. I guess kasama to sa pagbubuntis ko kaya naman kahit papaano ay nasasanay na din ako. Kadalasan kasi ay madaling araw nagigising ako para bumaba at kumain na hinihingi ng sikmura ko. Isang beses pa nga ng bumaba ako ay naabutan ako ni Nezro sa hagdan. Akala niya'y nagssleep walk ako kaya naman ay inalalayan niya ako at sinamahan kumain nun sa labas. Meron ding pinabili ko siya ng ice cream na strawberry at chocolate ang flavor saktong alas tres ng madaling araw. Mabuti na lang at may 7/11 sa kanto at nakabili siya.

Binuksan ko ang ref at tinignan ko kung anong pwede kong kainin nang mapansin ang maliit na papel na nakadikit sa ref.

Good morning preggy! 'Wag ka nang magluto at kainin mo na lang ang hinanda kong pagkain sa lamesa. After lunch pa ako makakauwi kaya wag kang masyadong gumalaw-galaw jan. Don't be so stubborn, Jianna! Take care!

May pirma pa niya sa baba na your sweetypiealalay’. Napailing-iling na lang ako sa ginawa niyang sulat bago lantakan ang pagkaing hinanda niya para sa'kin.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko ang mga plato at naglinis nang kaunti sa bahay. Napaliyad ako kasabay ng paghawak ko sa leeg ko nang makaramdam ako ng kaunting pagod. Nagwalis lang naman ako pero pakiramdam ko para akong binugbog ng mga tambay sa kanto. Napahawak ako sa tyan ko. Sabi ng doktor ng magpacheck up ako kasama si Nezro na ngayong buwan ako inaasahang manganak. Natatakot na naeexcite ako dahil makikita ko na ang anak ko. Maisisilang ko na siya sa mundong ito.

Kapit lang kay mama anak ha? Kakayanin natin 'to!  bulong ko sa hangin kasabay ng paghimas ko sa umbok ng tyan ko.

Napalingon ako sa labas nang may nagdoor bell. Sino kaya ito? Kung si Nezro naman ito ay agad naman siyang papasok at tatawagin ako. Haytss baka nama'y nantitrip na naman 'tong taong 'to. Nakapamewang akong lumabas at binuksan ang gate.

"Ano na namang tr--" Natigilan ako nang makita kung sino ang taong nasa harap ko ngayon.

I smiled. "Zavier! Nandito ka?" Gulat kong tanong sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bags. May s kasi marami.

"Uhh napadaan lang ako and naisipan ko na din na bumili ng pagkain." Nakangiting aniya.

"Pasok ka." Bahagya akong gumilid para bigyan siya nang espasyo para makadaan papasok. Ngumiti naman siya bago tumuloy.

"Wala dito si Nezro eh. Hindi ka ba niya tinext?" Tanong ko nang makapasok na kami. Dumiretso ako sa kusina at naramdaman kong nakasunod naman siya sa'kin.

"Hindi eh. Actually, hindi niya alam na pupunta ako dito."

Nagtatakang tinignan ko siya at nakangiti lang siya sa'kin.

"Huh!?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay nilapag niya ang mga dala niya at inisa-isang nilabas ang mga iyon.

"Wow ah! Ang dami mong pinamili."

"Actually, halos sa'yo talaga yan. Para sa baby mo."

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya at ganun din siya sa'kin. Awkward...

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon