Chapter 9

1.9K 29 2
                                    

{Chapter 9}

Umaga na nang nagising ako. Nasanay na siguro akong tignan agad ang kuna ni Kalie tuwing umaga at ngayon nga'y wala na ito doon. Sigurado akong kinuha na naman siya ni Nezro. Speaking of Nezro, mabilis akong bumangon at nagtungo ng banyo. Napahawak ako sa labi ko na hanggang ngayon ay tanda ko pa kung paano naglapat ang mga labi naming dalawa kagabi. Mabuti naman kahit papano ay nakatulog ako dahil sa nangyari. Hindi naman ako binangungot. Ilang minutong nakatulala sa harap ng salamin ay naghilamos na ako't bumaba. Naabutan kong nagluluto siya sa kusina habang gising naman na si Kalie at nilalaro ang maliit na teddy bear. Lumapit ako dito at mahinang pinisil ang pisngi ng anak ko.

"Good morning sweetheart!" Sakto namang pag -angat ko ng tingin ay nagkasalubong kami ng tingin ni Nezro. Nakangiti siya ng makita ako.

"Good morning!" He greet. Nag-iwas naman ako agad bago pa siya bumalik sa niluluto niya.

"G-Good morning din..." Gosh, Jia! Nagawa mo pa talagang mautal ah? Pumunta ako sa tabi niya at nagtimpla ng kape.

"How's your sleep?" Natigilan ako sa pagtimpla ng marinig ang tanong niya. Mas lalo lang akong kinabahan ng tignan niya akong nakangiti. Ano ba'yan? Why does it feels like he knows what happened last night? Nang-aasar ba siya? Kasi kung oo, hindi ako natutuwa? Kinakabahan ako.

"Ahhh...m-maayos naman." I smiled nervously.

"Mabuti naman kung ganoon. Akala ko kasi pinuyat ka na naman ni baby Kalie eh."

Nang matapos akong magtimpla ay umupo ako sa hapag at hinintay na maluto ang niluluto niya. Tahimik lang akong pinagmamasdan siya. Tinitignan ang bawat galaw niya habang nakatalikod siya sa'kin. He's wearing his white sando and boxer shorts only. Sanay na siguro siya since kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng bahay. Wala namang malisya noon pero parang nilalagyan ko na ngayon. Napangiwi ako sa sariling naisip. Eww, Jia! Ikaw pa talaga nag-iisip ng ganiyan?

Napabalik ako sa ulirat ng mataman niya akong titigan kaya naman napapitlag pa ako ng hindi inaasahan. Shet!

"B-Bakit?" Nakagat ko ang sariling dila ng mautal pa ako. Yung titig kasi...

"Kanina ka pa tulala! Kain na." Awkward lang akong napangiti at tumango.

Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita siya.

"Jia, anong nangyari kagabi?" Natigilan ako sa pagsubo ng kanin at tinignan siya. Tuloy-tuloy lang ang pagsubo niya habang ako dito hindi na mapakali sa upuan.

"Uhh..wala naman. Ano lang...naglasing ka lang kasi--"

"I get it! I forgot!" Putol niya sa sasabihin ko. Ininom ko ang gatas bago tumayo at nilagay ang plato sa lababo. Napapikit ako ng pagpihit ko paharap ay tumama ang mukha ko sa maskulado niyang dibdib. Napahawak pa ako sa noo ko.

"Aray ha?" daing ko habang hinihimas ang noo ko.

"Sorry! May itatanong ulit ako and I want you to be honest."

Napatitig naman ako sa kaniya. Dinaga ang dibdib ko sa kung ano man ang itatanong niya. Is it about us ni Zavier noong kinorner ako nito dito din sa kusina? Or is it about last night? Woahh! He leaned towards me. Sobrang lapit niya sa'kin at nakatukod pa ang mga kamay niya sa sink ng lababo. Hindi ko maalis ang pagtitig ko sa mga mata niyang kulay kayumanggi. Para bang inaakit ako ng mga mata niya. Gamit ang mga mata niya kaya niya akong pasunurin sa gusto niya.

"Is there something happened last night?" He hoarsely said. Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya. Bahagya ko siyang tinulak ng mapagtanto ang tanong niya.

"Sinabi ko nga diba? Wala! Walang nangyari kagabi. Ano pa bang gusto mong isagot ko?"

Lumayo ako sa kaniya at napayakap sa sarili. Am I being defensive? Or is it just me? I don't know!

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon