Chapter 46

1.2K 17 1
                                    

{Chapter 46}

"Nandito na ho tayo sir," ani ng driver nang itigil niya ang kotse sa harap ng malaking bahay. Maya-maya niyon ay bumukas ito at tuluyang pumasok ang sasakyan.

Nilingon ko naman si sir este si papa pala nang maramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa kamay ko. Ngumiti naman siya nang salubungin ko ang tingin niya.

"Are you okay?" concerned na tanong niya dahilan para mas lalong lumukob sa'kin ang kaba.

"K-Kinakabahan po ako... baka mabigla sila sa'kin... H-Hindi ko po alam ang gagawin ko."

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago ako kinabig at patakan ng halik ang noo ko.

"It's alright, I understand. Sa una lang 'yan... I know and I'm sure matatanggap ka nila. Besides, wala naman na silang magagawa kung hindi ang tanggapin ka. You're my daughter now, Kalie. I'm here! Hindi kita pababayaan."

His words make my heart calm just for a second. Agaran ding bumalik ang kaba ko nang tuluyan kaming makapasok sa mansyon.

Hawak ni papa ang kamay ko at sabay kaming naglakad sa loob. May lumapit kaagad sa amin na sa tingin ko ay kasambahay dito.

"Good morning sir," bati nito at kinuha ang inabot ni papa na attaché case.

"Good morning, sila dad?"

"Wala pa po. Mukhang napaaga po kayo nang uwi."

Dumako naman ang tingin ng katulong sa akin. Tinignan ako nito at tila pinakatitigan bago ito umalis. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong mansion.

Nakakalula. Sa laki ng bahay na ito aakalain mong nasa museum ka at nakakamangha sa unang tingin. Iba't ibang mga disenyo ang nakaframe at nakadikit sa pader. Mamahaling mga pigura din ang makikita mo sa sala.

"You like it here?"

Nilingon ko naman si papa nang marinig ang tanong niyang iyon. Nakangiti siya habang nakatingin sa'kin. Bakas sa mukha niyang masaya talaga siyang kasama ako ngayon.

"Nakakalula pero maganda."

"Kung gusto mo pwede kang tumira dito para magkasama tayo."

Napawi naman ang ngiti sa labi ko nang sabihin niya iyon.

"I don't think papayag po si lola sa gusto niyong mangyari..." Halos maibulong ko nang sabi sapat lang para marinig niya.

Sa sitwasyon namin ngayon ayokong iwan si Lola. Lumaki akong siya ang kasama ko sa bahay kaya kahit ako hindi ako papayag na umalis. Alam kong gusto akong makasama ni papa pero hindi kasi ganoon kadali sa'kin ang lahat.

"It's okay. I understand but still you should consider it." Pilit na ngiti lang ang ipinakita ko sa kaniya bago siya nagpaalam sa'kin.

Habang wala siya inaliw ko ang sarili ko sa pagtingin sa buong paligid. Naglakad-lakad ako hanggang sa mapunta ako sa labas. May kasambahay na nagtatanim sa bandang gilid. Dumako ang mga mata ko sa likod ng isang tao. Marahan akong naglakad palapit sa kaniya nang hindi niya napapansin. Nakatalikod siya sa'kin at mukhang busy siya sa selpon niya. He's familiar.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang bigla siyang lumingon dahilan para parehas kaming magulat sa isa't isa.

"Oh, sorry. I didn't mean to— Demian?" Nakakunot ang noong tanong ko sa lalaking kaharap ko. Bahagya naman niyang itinagilid ang ulo niya at prinoproseso ang tanong ko.

"K-Kalie? Is that you?"

Ngumisi ako nang marinig kong sinambit niya ang pangalan ko. I knew it! He's Demian one of my colleagues in college. Isa rin siya sa mga nireto sa akin noon ni Lexus.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon