Chapter 22

1.2K 15 0
                                    

{Chapter 22}

"Acclaa! Nabalitaan mo na ba yung nangyari kay Kharl? He's in comatose right now."

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa kamay nang mabasa iyon. Napatitig na lang ako sa screen at pilit na pinoproseso sa aking isipan ang nabasang balita kay Kharl.

∆•∆•∆•∆•∆


"Kumusta ang anak mo?"

Marahan kong inilapag sa lamesa ang juice na inumin ni Selest bago ako umupo sa tabi niya.

"Mabuti naman. Nilagnat lang siya and napainom na ng gamot kaya medyo naging mabuti na ang pakiramdam niya."

"Ehh, ikaw? Kumusta ka?"

Nilingon ko naman siya at napabuntong hininga. Tinapik naman niya ang balikat ko.

"Hindi mo ba dadalawin si Kharl?" tanong niya ng mamayani sa amin ang katahimikan.

Hindi ko alam. Tama pa ba na dalawin ko siya sa ospital at kamustahin siya? Ayoko siyang paasahin at isa pa, nakapag-usap na kami. Ayoko na sanang magkaroon ng kahit anong connection sa kaniya pero may isang parte sa aking bumubulong na kamustahin siya. Bilang kaibigan, nag-alala din ako sa kaniya.

"Bakit ko nga ba tinatanong? Hindi mo naman siya..."

"As a friend, sige."

Naguguluhang nilingon niya ako.

"What do you mean?"

"Dadalaw ako sa kaniya. Gusto kong malaman kung maayos na ba siya at kung anong nangyari." desididong ani ko habang nakatitig sa'kin si Selest.

"Ha? Edi, umasa na naman ang tao sa'yo? Jia, naman..." aniya at napasapo pa sa noo na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Bahala na. Gusto ko lang naman malaman ang kalagayan niya.

Wala nang nagawa pa si Selest ng magpasama ako sa kaniya sa ospital kung saan dinala si Kharl. Nagtaka pa nga siya kung bakit daw alam ko, sabi ko doon din dinala si Kalie kaya natahimik na lang siya. Nang makarating kami ay agad naming inalam kung saang kwarto siya naroroon.

"Okay ka lang ba? Hindi ka kaya himatayin dito?" aniya at mahinang natawa sa sinabi.

Sa totoo lang, kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Pinagpapawisan ang mga kamay ko habang hinihintay na mahanap ng nurse ang room number ni Kharl.

"Room 312 po."

Sabay kaming napalingom ni Selest sa nurse. Nagkatitigan muna kaming dalawa bago tanguan ang nurse at magpaalam dito.

"Kumalma ka nga! Nininerbyos ako sa'yo eh." aniya. Hindi ko na siya nagawa pang lingunin ng nasa harap na namin ang kwarto ni Kharl.

Relax, Jia! Inhale! Exhale! Wala ka namang ibang gagawin kung hindi ang kumustahin siya. As a friend. Yun lang!

Muli ko pang nilingon si Selest at ngumiti bago ko pihitin ang doorknob at maingat na pumasok sa loob. Sumunod naman si Selest sa'kin.

Tahimik ang buong silid, tanging ang mga makina lang kung saan nakakakonekta ang apparatus sa katawan niya ang lumilikha ng ingay. Nasakop ko ang aking bibig sa nakita.

May benda ang ulo niya. May kung ano ding bagay ang nasa leeg niya kaya medyo nakatingala siya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Selest sa braso ko. Nilingon ko siya at kitang-kita din sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Jia,"

Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang kamay ni Kharl at marahang hinaplos iyon. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon