Chapter 11

1.7K 20 1
                                    

{Chapter 11}

"Sige na anak at uuwi na kami ng mama mo. Paminsan-minsan bisita din kayo sa bahay para naman makita namin ang apo namin ha?" Tumango naman ako at ngumiti kay Papa. Mahinang tinapik niya lang ako at tumalikod.

"Mag-iingat kayo ma, pa." Sigaw ko ng makalayo-layo sila palabas ng gate. Itinaas lang ni Papa ang kamay niya at kumaway. Nilingon ko naman si ate Therina na papalabas ng bahay hawak ang kamay ng dalawa niyang anak. Nauna na kasing umuwi kanina sina ate Astrea kasama ang mga anak niya.

"Uuwi na din kami bunso dahil malayo-layo pa ang babyahiin namin ng mga pamangkin mo," aniya sabay lingon sa loob ng bahay. Tinignan ko naman ang tinitignan niya at nakita ko si Kalie na prenteng nakahiga sa couch at natutulog. Napangiti naman ako dahil sa amo ng kaniyang mukha habang nakapikit.

"Mukang napagod ata sa paglalaro kanina kasama ang mga pinsan niya at ayan... nakatulog." wika niya at napahagikhik pa habang pinagmamasdan namin ang anak kong natutulog.

"Oo nga ate. Napagod talaga. Minsan na lang kasi sila magkita-kitang magpipinsan."

"Oh siya! Sige na at gagabihin na kami sa daan. Kung ano ma'y tumawag ka lang sa'min ng mga ate mo ha?" Hinawakan ko naman ang kamay niyang nasa braso ko at tumango bago siya niyakap.

"Salamat, ate." Tumango lang siya bago ko sila  ihatid hanggang sa labas ng gate.

Pumasok ako ng bahay at marahang tumabi sa anak kong mahimbing na natutulog. Marahan kong hinaplos ang kaniyang noo at hinalikan ito. Gumalaw siya at bahagyang ngumiti. I knew she was happy. I made her happy and I'm proud of it. Bigla na namang sumagi sa isip ko ang sinabi niya sa'kin kanina.

"Ang wish ko po mama ay sana makita ko na ang papa ko. Gusto ko na po kasi siyang makita eh."

Napabuntong hininga ako bago balingan ng tingin si Nezro na bumababa ng hagdan. Nakasuot lang siya ng nakaugalian niya ng sando at maikling shorts. Not boxer shorts. Natigilan naman siya sa pagbaba ng makita ako.

"Nakauwi na sila?" tanong niya habang nakatingin sa'kin bago binalingan ng tingin si Kalie.

Tumango lang ako. Dumako ang tingin ko sa wall clock sa gilid ng hagdan. Alas sais y media na pala ng gabi.

"Pagod na pagod ah?" I smiled as I glanced to my daughter.

"Yeah! Napagod sa kakalaro sa mga pinsan niya eh."

"Halata naman. Anyway, I want to drink. Let's go! Join me." Sandali ko siyang tinitigan bago marahang tumango. Matagal-tagal na din talaga simula no'ng huli kong natikman ang lasa ng alak kaya wala naman sigurong masama kung uminom ako ngayon. Tsaka birthday naman ng anak ko. Tama lang naman sigurong magdiwang din ako.

"Sige. Iakyat ko lang si Kalie sa kwarto." Tumango lang siya bago pumuntang kusina.

Dahan-dahan ko namang binuhat si Kalie hanggang sa makahiga siya sa kama. Pumunta muna akong cabinet niya at pinalitan ko ng pantulog ang damit niya. Hindi naman siya umangal kaya tinuloy ko lang ang pagbibihis sa kaniya. Tinanggal ko din ang suot niyang headband at itinabi iyon sa gilid ng lamesa. Magkatabi kaming natutulog mag-ina at paborito niyang yakapin ako hanggang sa makatulog siya.

Kinumutan ko siya at hinaplos ang noo niya't pinatakan ng halik ito.

"I love you, anak!" Bulong ko bago ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ay nasa sala na si Nezro. Nasa maliit na ding lamesa nakalapag ang alak na hindi ko alam saan galing. May pulutan na rin.
Hawak niya ang remote ng TV at abala sa paglilipat ng channel ng maupo ako sa tabi niya at kumuha ng pulutan.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon