Chapter 1

3.8K 67 12
                                    

{Chapter 1}

Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay Papa ng inamin ko sa kanila na buntis ako. Masakit pero mas doble ang sakit dahil wala dito sa tabi ko ang lalaking pinangakuan akong aalagaan niya ako at mamahalin hanggang sa huling hininga naming dalawa.

Napayuko ako kasabay ng paghawak ko sa kaliwang pisngi ko. Nag-iinit ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal ni Papa.

"Enrico naman...Ano ka ba? Anak natin si Jianna. Oo buntis siya pero hindi naman ata tamang saktan mo siya gayong iniwan siya ng lalaking nakabuntis sa kaniya. Ngayon niya tayo kailangan, Enrico. Kailangan niya ang gabay natin bilang mga magulang niya."

Tahimik lang akong umiiyak habang inaalo ako ni mama na nasa tabi ko.

"Wala ka rin pa lang pinagkaiba sa mga ate mo eh. Lahat sila iniwan ng mga lalaki matapos silang buntisin. Ngayon? Paano mo palalakihin yang bata nang wala ang ama niyan?"

Nakatalikod si papa habang nakapamewang. Kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya niya sa ginawa ko.

"Titigil ho ako sa pag-aaral. Bubuhayin ko itong bata nang walang hinihinging kahit na ano sa pamilya ng tatay nito."

Pagak na natawa si Papa sa sinabi ko.

"Alam mo bang mga sinasabi mo, Jianna?" Sinundan iyon ng mabibilis niyang pag-iling.

"Alam ko ho pa. Alam kong nagkamali ako. Alam kong nadismaya kayo sa ginawa kong ito pero sana naman pa maintindihan niyo rin ako. Anak niyo ho ako pa...tao lang din ako. Nagkakamali. Natututo na ako sa pagkakamali kong yun. Alam ko pong masakit para sa inyo ang pagsuway kong ito pero sana naman..." Tumulo ang luha ko habang nakatingin kay Papa na hindi man lang ako magawang tignan.

"Sana naman wag niyong kalimutan na anak niyo rin ako. Na gaya ng ginawa niyo kila ate magawa niyo akong mapatawad."

Tahimik lang si mama sa gilid ko habang tinatahan ako. Medyo halata na rin kasi ang tyan ko at hindi na ako nagpatuloy pang pumasok sa eskwelahan. Ilang months na lang din naman at manganganak na ako.

Napatingin ako sa mga maleta sa gilid ko kung saan nakaempake ang mga gamit ko.

"Ma...pa...alam ko rin namang hindi niyo ako matatanggap o ang batang dinadala ko kaya kila Nezro na muna ako tutuloy. Sana mapatawad niyo ako."

Iyon ang huling binitawan kong mga salita bago umalis ng bahay dala ang mga iilang mga gamit ko. Rinig ko pa si mama na gusto akong pigilan na umalis pero mabilis siyang pinigilan ni Papa.

"Hayaan mo ng magtanda. 'Yan ang mga napapala ng mga batang sumusuway sa magulang."

I wiped my tears as I saw Nezro coming over me. Mabilis niyang kinuha sa kamay ko ang mga gamit kong nakaempake.

"Are you okay?" tanong niya at inalalayan ako sa paglalakad. Tumango lamang ako at pinahid ang luha sa mga mata. Dumako ang mga mata ko sa mga taong nakadungaw sa kani-kanilang mga bahay. Napahawak ako sa tyan ko. Its okay baby. Mama will do everything I can mapalaki at mabuhay ka lang.

"Let's go?"

Bumaling ang tingin ko kay Nezro matapos niyang ilagay ang mga gamit ko sa likod ng kotse niya. Ngumiti ako bago tumango. Muli pa akong sumulyap sa bahay kung saan ako lumaki.

' Sana'y mapatawad niyo ako pa. Patawad ngunit kailangan ko itong gawin. '

Nilingon ko si Nezro ng maramdaman ko ang mainit niyang palad sa kamay ko. Nginitian ko na lang siya habang nagmamaneho.

"Congratulations Mrs. Fuentebella. Your baby is a girl." Yun lang ang huling narinig ko bago ako natulala sa kawalan.

Its a girl! Babae ang isisilang kong anak. Kung nandidito lang siya sabay kaya kaming matutuwa? Magiging proud kaya siya at ipagsisigawan niya kaya sa mundong magiging tatay na siya sa anak namin? Ano kayang magiging reaksyon niya kung nandito siya?

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon