Chapter 32

1.2K 15 2
                                    

{Chapter 32}

Jianna's Pov:

Dalawang linggo na akong nandito sa ospital. Matapos ipaalam sa akin ng doktor ang sakit ko ay halos tulala na lang akong nakatingin sa kawalan. The diagnosis confirmed it...

I have a brain tumor.

Kapansin-pansin na din ang biglaang pagbagsak ng katawan ko. Wala na din akong ganang kumain at buong araw lang akong nandito sa ospital. Sa loob ng dalawang linggo ay nagsimula na ring magseizure ang katawan ko. Kapag naman sinusubukan kong tumayo ay para akong nakalutang sa kawalan at nawawalan ng balansi.

Sabi ng doktor ay maaari naman na akong umuwi ngunit hindi pumayag si mama. Aniya'y gusto niyang mamonitor lagi ang kondisyon ko kahit pa unti-unti ng lumalaki ang bill namin dito sa ospital.

Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak ng malaman iyon ng mga ate ko. Anila'y hindi nila inaasahan na bigla akong magkakaroon ng sakit sa utak.

Sa tuwing tinitignan ko si Kalie ay tumutulo ang luha ko. Ang bata pa niya para mawalan ng magulang. Sampung taong gulang na siya at alam ko sa sarili ko... Ayoko mang sabihin ngunit alam kong hindi na rin ako magtatagal.

Bahagya kong inangat ang kamay ko kung saan may nakaturok na tubo ng dextrox at marahang hinaplos ng buhok ng anak ko na ngayon ay mahimbing na natutulog sa gilid ko.

Pakiramdam ko'y bilang na lang ang mga araw na makakasama ko siya. Marami pa akong gustong gawin kasama siya. Gusto ko pang makita siyang mag-dalaga. Gusto kong ako ang unang makakaalam ng unang buwanang dalaw niya. Gusto kong masaksihan ang 18th birthday niya. Marami pa akong pangarap sa kaniya ngunit parang hindi na iyon mangyayari pa.

Pinunasan ko ang luha ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Selest. Dumiretso siya sa lamesa at nilapag ang dala niya. Agad akong nag-iwas ng tingin nang mahagip ako ng mga mata niya.

"Hindi muna makakapunta dito si Tita. May pupuntahan daw siya kaya baka bukas pa siya makakadalaw." rinig kong sabi niya.

Maya-maya pa'y kita ko sa gilid ng mata ko na papalapit siya at may dalang plato.

"Jia, kumain ka muna kahit kaunti lang..." aniya at marahang naupo sa gilid ng ospital bed. Nanatiling diretso ang tingin ko.

"Wala akong gana."

Kinuha niya ang kamay ko pero binawi ko din iyon agad.

"Jia..."

"Ayokong kumain."

Narinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga.

"Lagi ka na lang walang ganang kumain. Paano ka lalakas niyan kung kahit sa pagkain hindi mo binibigyang pansin?"

Tumayo siya at binalik ang plato sa lamesa.

"Hindi mo naman obligasyong alagaan ako kung ayaw mo you can now go freely. Walang pipigil sa'yo." Walang emosyong saad ko.

I heard her smirk at what I said.

"Sino ba nagsabing ayaw kitang alagaan? May nagsabi ba? Sino? Jia, concern lang ako sa'yo. Lalong babagsak ang katawan mo kung hindi ka kakain. Sa tingin mo ba, natutuwa kaming nakikita kang ganiyan na halos buto na lang at unti-unting hinihigop ang balat mo?"

Nanatiling tikom ang bibig ko sa pagbubunganga niya. Wala akong ganang kumain. Nawawalan ako ng gana sa lahat. Kahit sa paghinga nawawalan na rin ako ng gana sa totoo lang.

"Aren't you scared of death? Hindi ka ba natatakot mawalan ng nanay ang anak mo?"

Tinapunan ko siya ng tingin matapos bahagyang umangat ang boses niya.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon