Chapter 44

1K 16 4
                                    

{Chapter 44}

Kalie's Pov:

"Stable na ang lagay ng pasyente. Nagtamo lang siya ng iilang sugat sa braso niya pero gagaling din naman ang mga ito. For now, she need some rest bago siya makauwi nang tuluyan."

"Diyos ko salamat naman kung ganoon..."

"Salamat ho dok."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ng ingay. Marahan akong gumalaw dahilan para mapadaing ako sa sakit. Ang bigat ng pakiramdam ko para akong lalagnatin.

"Ma, si Kalie gising na." ani Tita Therina at agad akong nilapitan.

"Kalie, huwag ka munang gumalaw masyado. Magpahinga ka muna." ani Lola.

Tumango naman si Tita habang inaalalayan nila akong mahiga muli. Inilibot ko ang paningin ko bago muli silang tignan.

"Ano pong nangyari? Bakit po ako nandito? Nasaan po tayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila dahilan para magkatinginan silang dalawa.

"Kalie, nandito ka sa hospital nagpapagaling." Tita Therina.

"P-Po?"

"May tumawag sa'min na nasagasaan ka daw kaya dali-dali kang dinala dito sa hospital."

"At salamat dahil hindi ganoon ka-grabe ang nangyari sa'yo apo. Akala ko may masama nang mangyayari sa'yo, sobra akong nag-alala sa kalagayan mo apo." ani Lola habang mahigpit na pinipisil-pisil ang kamay ko.

Bumalik sa alaala ko lahat nang nangyari simula noong pumasok ako sa opisina ni sir...

Yung envelope...

Bakit pinapahanap ni sir Jarren si Mama? Anong kailangan niya dito?

"Naubusan ka ng dugo nang dalhin ka dito, Kalie. Kaya kinailangan kang salinan ng dugo. Mabuti na lang at nandiyan ang boss mo siya ang nagvolunteer na salinan ka ng dugo."

Gulat na napatingin ako kay Tita Therina. S-Si sir Jarren? Bakit?

"Apo, hindi mo man lang sinabi sa akin o sa amin na nagtatrabaho ka pala sa kompanya ng mga Montefiore." wika ni Lola dahilan para lumipat ang tingin ko sa kaniya.

"Bakit po? Kilala niyo si sir Jarren? At bakit po siya nandito?"

Nagkatinginan muli silang dalawa. Bakit naman gagawin ni sir yon? Pero bago pa masagot ang mga tanong ko ay bumukas ang pintuan at niluwa nito ang taong pinag-uusapan namin. Nasa likod nito si Tita Selest na mataman lang na nakatingin sa'kin.

"Tita maaari ba naming makausap si Kalie?" ani Tita Selest nang tuluyan siyang makapasok kasama si Sir Jarren.

Teka, bakit magkasama sila? Kailan pa siya nakauwi?

"Selest, I don't think this is the day to talk about it. We can discuss this in some oth—"

"No! I need to know the truth. Wala nang ibang pagkakataon at ito lang ang nakikita kong pagkakataon na malaman ang totoo mula sa inyo." Galit na wika ni Sir Jarren dahilan para mapaigtad sila Lola at Tita Therina.

"Jarren, huminahon ka!" bulong naman ni Tita Selest at napakapit sa braso ni sir. Naguguluhan ko silang tinignan.

"Hindi ate! Hindi ako papayag. Itinago nila sa akin ang totoo at ngayon ayaw nilang malaman ko ang totoo na anak ko si Kalie?"

Wait what? Ano daw? A-Anak niya ako? At ate? Ate niya si Tita Selest? Teka lang alam kong nasagasaan ako pero hindi naman siguro naapektuhan ang utak ko para maguluhan sa mga nangyayari hindi ba?

"A-Anak? Sir Jarren, anong sinasabi niyo sa lola ko?" sabi ko dahilan para magsilingunan sila sa'kin na apat.

Sinubukan kong bumangon pero napadaing lang ako nang kumirot nang bahagya ang gilid ko.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon