Chapter 20

1.5K 16 0
                                    

{Chapter 20}

Jia's Pov:

"So, nakapag-usap na ba kayo?"

Nilingon ko naman si Selest ng bigla siyang magsalita. Kanina pa kasi kami tahimik na dalawa simula ng magkita kami. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon dito sa store. Wala pa namang customer kaya ni-grab na namin ang opportunity para makakain.

Tinitigan ko lang siya habang nag-eenjoy siya sa kinakain niya.

"Nino?" I asked innocently.

Sinamaan niya ako ng tingin at napairap. Kinuha niya ang softdrink niya at uminom dito.

"Sabog ka ba?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Mukha ba akong sabog? Hindi ko siya magets. Pinitik niya ang daliri niya sa harap ko kaya napakurap-kurap ako.

"Seriously, Jia? Hindi mo ba talaga alam kung sinong tinutukoy ko?" Tulala lang akong napatitig sa kaniya at napangisi ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan ‘day? Mukha bang nagpapatawa ako?" aniya sabay irap at iwas ng tingin.

Doon na ako humagalpak ng tawa sa kaniya hanggang sa nabulunan na ako sa kinakain ko. Mabilis ko namang kinuha ang softdrink at mabilis na nilagok iyon.

"Iyan kasi... Tawa nang tawa." aniya at muli akong inirapan.

Mariin akong napapikit matapos makainom at bumaba sa lalamunan ang kinain ko.

"Bakla ka! Nakakatawa ka kasi. Sino ba kasing tinutukoy mo kung nakapag–" Napahawak ako sa bibig ko ng mapagtanto ang sinabi ko. Gulat na napatitig ako kay Selest.

"Oh, ano?" singhal niya.

"I knew it!" Wika ko at sumandal sa inuupuan ko.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Nakapag-usap naman kami." Wala sa sariling sambit ko.

Tinignan ko ang reaksyon niya at pilit niyang binabasa ang nasa isip ko gamit ang mga mata niyang mapang-usisa.

"Ano'ng pinag-usapan niyo?"

"Sa'min na lang 'yon."

"Damot. Hmp!"

Ngumisi lang ako sa reaksyon niya at inaya na siyang bumalik na kami sa store at baka mapagalitan kami ng supervisor namin dahil inabot na kami ng syam-syam sa pagkain lang ng lunch.

∆•∆•∆•∆•∆


Off na namin ngayon at palabas na kami ng mall nang hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid at baka nandiyan na naman siya at hinihintay ako. Napakurap-kurap ako ng itinaas baba ni Selest ang kamay niya sa ere. Sa mismong harap ko.

"Sinong hinahanap mo? May hinihintay ka?"

Napatingin ako sa kaniya at umiling.

"Wala ah!" Sabay iwas ko ng tingin.

"Suss... Indenial girl ka pa diyan. If I know baka si Kharl ang hinahanap ng mga mata mo kasi nasanay kang hinihintay ka niya tuwing off natin. Huwag mo nga akong pagkasyahin sa bulsa mo." aniya at inirapan pa ako.

"Bakit sinabi ko bang magkakasya ka sa bulsa ko? Tsaka hindi ko siya hinahanap ano!" umirap din ako sa kaniya pero di niya nakita kasi busy siya pagkalkal ng bag niya.

Itong babaeng 'to talaga! Kung ano anong sinasabi. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko. Tama siya. Hinahanap nga ng mga mata ko si Kharl. Hindi ko alam kung saan galing ang lungkot ng mapagtanto kong wala siya dito at hinihintay ako kagaya ng lagi niyang ginagawa noon. Realization hurts talaga. Pero nakapag-usap naman na kami and the both of us agree na stay friends kami kahit medyo awkward pa.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon