Epilogue

2.4K 25 14
                                    

{Chapter 50}

"Happy New Year!"

Sabay-sabay na sambit namin nila Lola, Tita Therina, Tita Astrea at ng mga pinsan ko. Nagsimula na ring mag-ingay ang mga ito gamit ang mga torotot na hawak nila.

Tumingala naman ako sa kalangitan at kitang-kita kung paano magliwanag ito dahil sa fireworks.

"Ang ganda!" sabi ko nang hindi naaalis ang ngiti ko dito at may ngiti sa labi.

"Ang ganda mo."

Napalingon naman ako sa nagsabi niyon at mas lalong akong napangiti.

"Happy new year!" bati ko sa kaniya at yumapos sa kaniyang katawan.

"Happy new year too!" he greeted back at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

"Masaya akong sinalubong ang bagong taon na kasama ka, lie." I heard him say between our hug.

Sumilay ang ngiti sa labi ko sa sinabi niya. This is my first to celebrate new year with him. My special someone and I guess this made him more special for what I'm going to say.

"Ako din, love." sabi ko at pilit na nagpipigil ng ngiti dahil kahit ako ay kinikilig din sa tinugon ko.

Maya-maya pa'y hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinarap ako. Pinanatili ko ang itsura ko para kunware ay seryoso ako.

"What did you say?"

"Hmm? M-May sinabi ba ako?" pagmamaang-maangan ko pa.

"Y-Yeah... Can you please say it again?"

"Say w-what?"

Ngumingiti-ngiti na siya na para bang hindi makapaniwala.

"I hear you say... Did you just..."

"Oo na! Sinasagot na kita."

Natigilan siya at napangko ang tingin sa'kin. Surprise written all over his face. I know. He didn't expect that.

"R-Really?" Sumimangot ako.

"Ayaw mo yata eh," ani ko at akmang tatalikod nang bigla niya akong kinabig at niyakap and this time sobrang higpit na.

"Woaahhh! Kami na ni Kalie! Kami na ni Kalie!" sigaw niya habang pinaikot-ikot ako.

Nagulat naman ako at natawa na lang din sa naging reaksyon niya. Dumako ang tingin nila Tita sa amin at nakangiti na lang din dahil sa naging reaksyon ni Demian.

"Ibaba mo na ako." natatawang sabi ko.

Binaba naman niya ako at sinakop ang magkabila kong pisngi.

"You really know how to make me happy."

Kitang-kita ko kung paano kumislap ang mga mata niya na para bang kahit ang mga mata niya ay nagsasabi kung gaano siya kasaya. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.

"Salamat dahil nag-effort kang hintayin ako."

"I am much more willing to wait for you, lie. Thank you for this day and thank god we're finally together."

Tumango ako at niyakap siya. Natapos ang gabing iyon nang pagbati sa amin at pagdiwang ng bagong taon.

Masayang-masaya ako para sa aming dalawa and I hope this would last not just forever but until eternity.

∆•∆•∆•∆•∆

"Congratulations and best wishes to the both of you Tita and Kuya Kiel." bati ko nang lumapit kami ni Demian sa kanilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon