Chapter 30

1.3K 14 0
                                    

{Chapter 30}

"Ang tahimik mo," ani Selest sa'kin habang nakadungaw sa sinasakyan naming taxi. Tipid na ngumiti lang ako sa kaniya at muling binalik ang tingin sa labas kung saan nadadaanan namin ang mga malalaking gusali.

Papunta kami ngayon sa sinasabi niyang mansiyon at hindi ko maiwasang hindi kabahan. Alam kong siya ang kapatid ni Jarren pero hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil paano na lang kung too nga? Paano kung magkita kaming dalawa? All of a sudden muling magtatagpo ang landas namin matapos ang ilang taon. Ngayon pa lang naninikip na ang dibdib ko. Paano pa kaya kung kaharap ko na talaga siya.

Maraming tumatakbong ideya sa isip ko na kahit sa pagtulog ko ay hindi mawala. Hindi maalis.

Nilingon ko si Selest.

"S-Sigurado ka bang gusto mo talagang makilala ang mga magulang mo?" tanong ko sa kaniya habang kasalukuyan niyang inaayos ang sarili.

Sandaling nawala ang ngiti sa labi bago ako tapunan ng tingin.

"Oo naman, Jia. Hello, sino bang hindi matutuwa kapag makikilala mo ang mga totoo mong magulang diba?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Pero alam kaya ni Jarren na may nawawala siyang kapatid? Did he even know that he has long lost sister?

"Ikaw? Masaya ka ba para sa'kin?"

Natigilan naman ako sa tanong niya.

"Oo naman." Tipid ang ngiting tinugon ko sa kaniya.

Masaya nga ba ako? O natatakot lang ako sa posibleng mangyari na baka magkita kami ulit ni Jarren? Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali.

Maya-maya pa lumiko ang sinasakyan naming taxi sa isang gate ng subdivision. Huminto ito sa tapat ng guard house dahilan para bumaba ang bintana ng taxi.

"Hello ma'am, this is a private subdivision po baka po naliligaw kayo?" bungad ng guard pagkababa ng bintana. Ngumisi naman si Selest na para bang confident siya sa ano mang isasagot niya.

"This is the Villa Valley Residence, right?" nakangiting wika ni Selest.

"Yes ma'am."

"See? Hindi ako naliligaw. Nandito ba ang mag-asawang Montefiore?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Selest. Alam niya na nga! Pero... P-Paano?

"Wala po dito si Sir pero si ma'am nandito po."

Nilingon ako ni Selest at ngumiti sa'kin. Shit! Hindi ko maiwasang kabahan. Hindi pa kami nagmeet ever ng mom ni Jarren. I wonder if she knows that his son have a child on me.

Hindi ko namalayang umaandar na ulit ang kotse papasok sa subdivision. Nilingon ko naman si Selest at ngayon ay malawak na ang ngiti niya samantalang ako dito ay halos maubusan na ng hangin sa sobrang kaba.

"Selest, naguguluhan ako. Paano mo nalaman ang location ng mga Montefiore? Atsaka sigurado ka bang sila ang mga totoo mong magulang?"

Nakangiting nilingon niya ako.

"I have a close friend that helps me to find them. And yes, I'm sure na sila ang parents ko because dito na ako galing last week."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"What? Are you serious?"

Humagalpak lang siya ng tawa sa naging reaksyon ko. Nagtataka na talaga ako. Her laugh, her smile... There's something I can't predict.

"Why? Why are you so overreacting, Jia? May hindi ba ako alam na alam mo?"

Napalunok naman ako sa sinabi niya. She's... Hindi ko siya mahulaan. Ano bang nangyayari?

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon