Chapter 15

1.6K 20 0
                                    

{Chapter 15}

Trigger Warning: Self-harm/Suicide attempt

Hinalikan ko sa noo si Kalie gaya ng lagi kong ginagawa bago siya matulog. Nakapagbihis na din ako ng damit pantulog bago nahiga at inayos ang pagkakakumot ni Kalie.

Nakatitig lang ako sa kisame habang malalim ang iniisip. Tumagilid ako ng higa patalikod kay Kalie pero hindi pa din ako madapuan ng antok. Lumilipad pa din ang isip ko sa nalaman ko kay mama about kay Selestine. Sa amo ng mukha niya hindi mo mahahalatang may madilim na nakaraan siya. Hindi mo aakalaing minsan niya ng pinagtangkaan ang buhay niya dahil lang sa lalaki. I know, some of you will laugh at her for doing it to her own life but I know mas masakit iyon para sa kaniya. I know some of you will say, 'grabe, para lang sa lalaki magpapakamatay talaga?' Or even says, 'ang babaw naman ng dahilan niya para kitilin ang buhay niya.' Masasabi mo lang yan kasi hindi mo alam ang feeling na lokohin ng lalaki lalo pa't maaga siyang nauto ng tadhana. Bata pa ang isip niya ng pumasok siya sa relasyon ayon sa kwento ni mama kanina.

Ayon daw kasi sa kwento ng mama ni Selestine kay mama, 15 pa lang siya noon ng magkaboyfriend ito at itanan ng lalaki. Sa huli napag-alaman ni Selest na niloloko lang siya ng lalaki at ipinagpalit sa mayamang babae. Dahil nga sa bata pa at wala pang masyadong alam sa pag-ibig...patay na patay siya sa lalaki. Kaya ng mangyari iyon ay halos isang buwan daw na tulala si Selestine sa kwarto at maga palagi ang mga mata.

Isang araw daw noong pagbukas ng pinto ni aling Tinay sa kwarto ni Selest ay natagpuan nilang may hawak itong blade at may dugo ang pulso. Agad daw itong dinala sa ospital at sa awa ng diyos hindi naman daw malalim ang hiwa ng blade sa pulso nito.

Napabuntong hininga na lang ako bago ipinikit ng mariin ang mga mata. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok niyon. Natakot ako para kay Selest and at the same time masaya akong nakalaya na siya sa madilim niyang nakaraan. Isa na siya ngayong masaya at may mabuting puso.

Dahil sa nalaman ko mas lumalim pa ang dahilan para maging kaibigan ko siya at mapalapit sa kaniya.

•∆•∆•∆•∆

"Psstt!" Napalingon naman ako kay Selest ng sitsitan niya ako at ngumuso siya sa harap namin. Kunot-noong napatingin naman ako sa nginunguso niya at naiilang na ngumiti sa lalaking paparating. May hawak siyang supot at flowers sa kaliwang kamay niya. Umayos naman ako ng tayo ng papalapit na siya sa'min. Siniko naman ako ng katabi ko at nanunuksong tinignan ako.

"Hi ladies!"

"Hi, Kharl. Anong atin?"

Hindi ko alam ang sasabihin kaya ngumiti na lang ako kay Kharl ng tignan niya ako sabay kamot sa batok niya. Ang cute! Kinakabahan siguro siya kaya di niya ako matignan ng maayos sa mga mata.

"Uhmm...para sa'yo nga pala J-Jia." Nauutal-utal pa siya. Nakakaintimidate ba talaga ako i-approach? Nilapit niya sa'kin ang flowers at ang supot na hawak niya. Kung hindi siguro ako siniko ni Selest hindi ko kukunin ang inaabot niya eh.

"S-Salamat." Wika ko na ikinangiti naman niya.

Noong isang linggo pa napapadalas ang pagbisita ni Kharl dito sa'min kahit alam ko namang ako lang ang gusto niyang makita. Assuming yarn? Pero totoo naman kasi. Tuwing pupunta siya dito sa store hindi pwedeng wala siyang dala kahit ano. Hindi din niya nakakalimutang magdala ng flowers na binibigay naman niya sa'kin. Hirit pa nga ni Selest ng minsang anyayahan ako ni Kharl na lumabas may gusto daw si Kharl sa'kin na ikinakibit-balikat ko na lang kahit alam ko naman sa sarili kong base sa mga ikinikilos at ginagawa niya masasabi kong nanliligaw siya.

Mabait naman siya at gentleman. Tuwing out namin ni Selest nagpprisinta siyang ihatid kami pauwi. Ayon sa kwento ni Selest ay kapatid siya ng may-ari ng coffee shop dyan sa kabilang kalsada. Oo, may itsura siya at kung hindi ako nagkakamali mabulaklak ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Inshort playboy pero aniya ng minsang kami lang dalawa ang magkasama sadyang habulin lang daw siya ng mga babae.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon