Chapter 7

2.3K 39 0
                                    

{Chapter 7}

"Hindi ka na ba talaga magpapasundo? Pwede naman akong dumaan mamaya kila Tita kung gusto mo." Nakangusong wika ni Nezro habang inihahanda ang mga gamit ni Kalie na dadalhin ko.

Bibisita kasi ako kila mama, nung isang araw kasi tumawag ito at sinabing kung pwede ba daw ay pumunta ako doon dahil namimiss n nila ang apo nila. See? Mas namiss pa nila apo nila kesa sa anak nila eh. Grabe ang pagswitch ng mood nila simula ng ipanganak ko si Kalie. Naiinggit ako sa anak ko pero hayaan na mas natutuwa akong tanggap na nila ang kasalanang nagawa ko.

Lihim akong napangiti sa reaksyon ni Nezro.
"Okay lang naman ako. Uuwi rin kami agad para hindi kami gabihin sa daan."

"Magtaxi ka! 'Wag kang magjejeep." Dagdag niya pa kaya natatawang tumango na lang ako.

Hinatid niya kami hanggang sa may labasan. Subdivision kasi itong lugar kaya iilang lakad pa ang lalakarin mo palabas. Ipinara niya rin kami ng taxi. Maingat akong sumakay sa loob ng sasakyan hawak ang bumbumnan ng anak ko. Inabot naman sa'kin ni Nezro ang bag kung saan nakalagay ang mga gamit ni Kalie.

"Kuya pahatid po sila sa De Macapili St. Sa mismong pula ang gate na bahay. Salamat po." Tumango naman ang driver.

Lihim naman akong ngumisi sa sinabi niya. Kailangan talaga detailed? Bago sumara ang bintana ng kotse ay kumaway pa siya sa'min. 'Mag-iingat kayo' he mouthed bago unti-unting umusad ang taxi.

Dahil isang oras at kalahati lang ang binyahe namin ay maayos naman kaming nakarating. Medyo matraffic nga lang kunti pero okay naman. Marahang ipinara sa tapat ng gate ninkuyang driver ang taxi niya.

"Salamat po kuya." Tumango naman ito. Kukunin ko na sana ang bag ko para sa wallet ko ng magsalita si kuyang driver.

"Bayad na po ang metro ma'am."

"Po?" Natigil ako sa paghanap sa wallet ko.

"Binayaran na po ng lalaki kanina, hindi niyo ho yata napansin pero bayad na ho." Nakangiting wika niya habang nakatingin sa rear view mirror.

"Ahh okay po. Thank you!"

Si Nezro talaga! Binuksan ko muna ang pinto bago lumabas hindi ko naman napansin na bumaba si kuyang driver at inalalayan akong kunin ang bag.

"Salamat po!" Nahihiyang ani ko at bahagya pang yumuko.

"Walang anuman ma'am." Binigay niya sa'kin ang bag bago muling sumakay sa taxi.

Hindi pa man ako kumakatok ay bumukas na agad ang gate at sumilip si mama.

"Ma!"

"Nandito ka na pala! Naku ang apo ko, akin na ang maganda kong apo," aniya at kinuha sa'kin si Kalie. Napailing-iling na lang ako. Akala ko pa naman itong bag ang kukunin niya. Mas excited pa siyang makita ang apo niya kesa sa'kin eh. Nagtatampo na talaga ako!

Sinarado ko muna ang gate bago ako sumunod sa kanila sa loob ng bahay.

"Si papa pala ma? Saan?" tanong ko ng ilapag ko ang bag sa couch at sumandal dito. Ipinikit ko ang mga mata ko ng lumapat ang likod ko sa malambot na upuan.

"Inutusan kong mamalengke." Napamulat naman ako agad sa sinabi ni mama at napalingon sa kaniya.

"Ma! Ba't mo naman inutusan si papa? Alam mo namang--"

"Wala akong magagawa at kagustuhan niya iyon. Sabi niya'y ako na lang daw ang magluto para sa tanghalian natin."

Napahimas naman ako sa noo ko. Hindi kasi usually si papa mautusan ni mama kaya naninibago lang ako. Kulay puti na ba ang uwak para kay papa?

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon