Chapter 49

1.6K 14 1
                                    

{Chapter 49}

"Namatay si lolo sinundan lang ni mama..." sabi ko. Trying to break the silence in between us while we're walking. Gusto kong ikwento lahat sa kaniya nang mga nangyari sa amin ni mama pero may mga ibang bagay akong hindi alam kaya yung mga pinaka highlights na lang siguro.

"Nakagraduate ako at nakapagtrabaho na rin. Hindi ko nga ineexpect na sa kompanyang pinagtatrabahuan ko is doon ko pa makikilala ang tatay ko." bahagya pa akong natawa.

"Imagine, I'm his secretary and his my boss kaya hindi ako makapaniwala nang malaman kong tatay ko siya nang maospital ako."

"Ospital? Why? What happened to you?"

"Naaksidente ako. Siguro kung hindi ako naaksidente I don't think makikilala ko tatay ko. Wala naisip ko lang..."

"But I'm happy na nakilala mo na ang tatay mo."

Nilingon ko siya at nginitian.

"I want to say thank you to you tito Nez..."

"Hmm?" Sinulyapan niya ako saglit.

"For being my father figure when I was a kid back then. Dahil sa'yo hindi ko naramdaman na wala akong tatay noon. Dahil sa'yo hindi ko naramdaman na may kulang sa'kin."

"Pinapaiyak mo naman ako niyan..." anito at umaktong nagpupunas ng luha.

"I'm serious tito Nez, thank you for being my father."

Lumapit ako at niyakap siya.

"Halika na nga, ihahatid na kita."

Pareho kaming natatawa habang nagpupunas ng luha.

"Dito na lang tito, salamat po sa paghatid."

Marahan namang tumigil ang sasakyan niya sa tabi.

"Baka gusto niyo pong pumasok sa loob at para mapakilala ko kayo kay lola..." sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt ko at nilingon si Tito.

Umiling siya at ngumiti.

"I would love to but I need to go, iha. Maybe next time. May family dinner pa kasi akong pupuntahan with my family."

"Family po?"

"Hmm... I have a wife and a son."

Sumilay naman ang ngiti sa labi ko sa narinig mula sa kaniya.

"I hope makilala ko sila very soon."

"Yeah, sure. Ipapakilala kita sa kanila."

"Okay po, mauna na ako. Salamat po ulit sa paghatid sa'kin."

Ngumiti lang siya at nagbabye nang makababa na ako ng kotse niya. Nakakatuwa naman may asawa't anak na siya.

Tumingala ako sa langit at nakitang maraming kumikislap-kislap na mga bituin.

Ma, kung nandito ka lang sigurado akong masayang-masaya ka dahil nagkita na ulit kami ni Tito Nezro. I hope you see us from there. I love you ma!

∆•∆•∆•∆•∆

"Demian..." Nakakunot noong tanong ko sa lalaking nakatalikod.

Anong ginagawa niya dito? Si Krista ba ang ipinunta niya dito? Wala naman iyon dito eh.

"Kalie, there you are. Hi!" Nakangiting anito nang humarap. Alanganing napangiti naman ako bago bumaba ang tingin ko sa hawak niyang bulaklak.

"Hi! Umm, anong ginagawa mo dito? Wala dito si Krista and minsan lang siya bumisita dito kung siya ang hinihintay mo." sabi ko habang lumilingon-lingon trying to act na wala dito ang hinahanap niya.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon