Chapter 38

1K 13 2
                                    

{Chapter 38}

Kinabukasan, ganoon pa rin ang routine ko. Maaga akong nagigising para maaga ako makarating nang wala pa si sir Jarren.

Sunod-sunuran lang ako sa kaniya tuwing may meeting siya kahit pa may business dinner or lunch pa yan ay hindi dapat ako mawala sa tabi niya.

Dalawang linggo na ako dito at hindi ko man lang namamalayan iyon. Siguro kasi nag-eenjoy na rin ako sa mga ginagawa ko. Hussle but enjoyable. Lagi rin akong nakangiti sa lahat ng mga nakakasalubong ko kahit pa si ma'am Natasha na madalas napapataas ng kilay kapag nginingitian ko siya.

Ngayon nga ay nandito na naman siya sa kompanya. Sa office ni sir Jarren to be specific.

Napabaling ako sa intercom nang tumunog iyon.

"Kalie, get me some coffee please." anito sa baritonong boses. Sumagot naman ako bago tumayo.

Napakagat-labi ako dahil hindi ko alam ang kapeng ikukuha ko kay sir Jarren. Mel didn't mention it to me kaya pupuntahan ko siya ngayon. Hindi naman ako mahihirapang hanapin siya dahil lagi siyang nasa opisina ni sir Kharl. Yung lalaking nag-interview sa'kin.

Habang papalapit ako sa office nito ay napakunot noo ako dahil nakita kong bahagyang nakasiwang ang pintuan. Bahagyang nakabukas. Kaya naman hinawakan ko ang door knob at marahan itong itinulak papasok.

Tahimik masyado parang walang tao. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita ko ang mga gamit na nagkalat sa sahig.

"Anong nangyari dito?" mahinang bulong ko.

Hindi kaya napasukan dito ng magnanakaw? Pero imposible, kompanya ito at sino namang may lakas ng loob na magnanakaw dito sa opisina ni sir Kharl?

Inilibot ko pa ang tingin ko at naglakad nang dahan-dahan. May naririnig akong mahihinang halinghing. Saan galing 'yon?

"Oh, sh¡T! You're so damn good!"

Napahinto ako sa kinatatayuan ko nang may kalapitan na ako sa cr. Ano daw? At may kasama pang ungol 'yon. Kaya mas lalong nanliit ang mga mata ko sa sumunod na narinig dahil babae na ang narinig ko na para bang hinahabol. Hingal na hingal to be exact.

Napaisip ako. Kay sir Kharl itong office at si Mel lagi kong nakikita ditong lumalabas at pumapasok. Aniya assistant secretary siya nito. Hindi kaya???

Napatakip ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata sa naiisip ko. No way!

Hindi kaya... sila ang magkasama ngayon sa loob ng cr?

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa naririnig mula sa loob ng cr.

"Ohhh, god! Come with me, please!"

"I can't take this anymore, babe!"

Napaatras ako habang nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Posible nga! Gumagawa sila ng milagro. Sunod-sunod pa ang mga ungol na narinig ko kaya agad akong umalis doon ngunit kung minamalas ka nga naman. Sa kakaatras ko hindi ko nakita ang flower vase sa center table at nasagi ko pa ito dahilan para gumawa ng ingay. Bumagsak ito sa sahig. Napatakip ako ng bibig dahil doon.

"Ano 'yon?"

Tinignan ko ang pintuan ng cr bago mariing napapikit. Maya-maya lang ay lalabas na silang dalawa at makikita nila ako dito. Hindi nila ako pwedeng makita dito. Malalagot ako.

"Wala 'yon, baka pusa?" rinig kong sagot ni Sir Kharl.

"Pusa? May pusa ka dito sa loob ng office mo? Kailan ka pa nagkapusa?

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tanong ni Mel. I know Mel's voice kaya sigurado akong siya 'yon.

"W-Wala... I mean hayaan mo na."

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon