Chapter 48

1.1K 18 0
                                    

{Chapter 48}

"Ito po yung towel 'tsaka damit. Medyo maluwag pero kasya naman po 'yan sa kaniya." ani Kalie nang iabot sa akin ang towel at damit para kay Kiel.

Basang-basa kasi siya dahil medyo malakas ang ulan sa labas at ayun nga ang mokong nasa loob ng Cr. Napabuntong hininga na lang ako kay Kalie.

"Grabe ang gwapo ng boyfriend mo tita tsaka mukhang mabait. Pakilala mo naman po ako hehehe..."

"Mabait cheater naman." bulong ko.

"May sinasabi ka Tita?"

"Ah? W-Wala wala. Sabi ko okay na 'to tsaka hindi ko siya boyfri–"

"Ahh, 'yan na ba yung damit?"

Pareho kaming natigilan ni Kalie at napalingon kay Kiel na nakasilip mula sa loob ng Cr.

"O-Oo. Oh!" sabi ko at binato sa kaniya ang hawak kong towel at damit.

"Aw!" rinig kong reklamo niya.

"Thank you babe ah..." rinig kong sigaw niya mula sa loob ng Cr. Sa irita ko ay nagroll eyes lang ako sa kaniya bago muling hinarap si Kalie.

"Ang sweet niyo po Tita. Ganiyan po ba kayo mag-away?" rinig kong tatawa-tawa ni Kalie na para bang kinikilig sa nasaksihan.

"Kalie? Pwede ba? Naiirita ako ngayon sa lalaking 'yan. He was supposed my ex now but I don't know how he have his guts to follow me here. Nakakainis!" Parang bata kong pagmamaktol sa kaniya.

"Po? Hiwalay na kayo? Pero sabi niya kanina boyfriend mo daw siya..."

"Sige na, Kalie. Ako na'ng bahala sa kaniya. Pauuwiin ko siya pagkatapos niyang makapagbihis." sabi ko habang pinapalakad na ito paalis. Wala ako sa mood ngayon dahil sinira ng Kiel na 'yon.

"Po? Gabi na... pwede naman dito din siya magpalipas ng gabi 'di ba para magkasama kayo?"

"Argh! Kalie!" I said while stumping my feet. Maya-maya pa'y narinig ko ang paghagikhik niya.

"Okay, sabi ko nga. Matutulog na ako."

"Sige na! I know you're tired so you must rest."

"Opo."

Napasapo na lang ako sa ulo ko nang tumalikod siya. Nang-aasar pa kasi eh...

"May nakalimutan pa pala akong sabihin tita hehehe..."

"Ano na naman? Kalie, ang kulit mo."

"Sandali lang promise," aniya na para bang nagpipigil ng tawa.

"Ano?" Pagod na tinapunan ko siya ng tingin.

"Gusto ko lang sabihin na... Kung ano man po ang pinag-awayan niyo sana maayos niyo. Sayang gwapo pa naman si kuya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Seriously? Ang pamangkin ko pa ang may ganang magbigay sa akin nang ganiyang advice?

Naibuka ko ang aking labi pero walang lumabas na salita doon hanggang sa tumalikod na at tuluyan nang umalis si Kalie.

Palihim akong natawa sa sinabi niya. Kung alam mo lang kung anong pinag-awayan namin baka hindi mo rin kayanin.

"Tatayo ka na lang ba diyan?"

Pairap na nilingon ko si Kiel at masamang tinapunan siya ng tingin.

"What do you think you're doing huh? Nang-iinis ka ba talaga o sadyang sinasagad mo pasensya ko?"

Naguguluhang tinignan niya ako at kalaunan ay ngumisi.

"What? You know what let's go, matulog na tayo." anito at binalewala ang sinabi ko bagkus ay naupo siya sa kama habang pinupunasan ang basangbbuhok gamit ang towel.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon