Chapter 8

1.9K 33 0
                                    

{Chapter 8}

"Pwede ko bang malaman kung ano ba talagang nangyari?"

Nakaupo ako ngayon katabi ni Nezro. Tahimik lang niyang sinalinan ng alak ang basong kanina pa niyang hawak. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya ng abutan niya din ako ng baso na may lamang alak. Hinampas ko siya sa braso niya.

"Sira*lo ka ba? Alam mo namang nagpapabreast feed ako kay Kalie papainumin mo ako?" Sabay inilayo ko ang basong binigay niya sakin.

"Konti lang naman." tugon niya pa pero umiling ako't tinulak pabalik sa kaniya ang basong may alak.

"Ano ka ba? Gusto mo bang malasing ang anak ko habang dumedede siya sa'kin? Sira ka talaga."

Inakyat ko kasi muna si Kalie sa kwarto para makatulog siya ng maayos bago ako muling bumaba. Naabutan ko na lang din si Nezro na may hawak na alak at hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon. Wala naman akong nakikitang alak sa refrigerator puro gulay at mga pure foods ang nandodoon. Ganoon na lang ba talaga kagrabe ang pag-aaway nila at kailangan niya talagang maglasing?

I heard him sighed bago tinungga ang baso ng dire-diretso na parang tubig lang. Grabe! Dinaig niya ako sa inuman ah? Oh! Baka di niyo alam na umiinom ako atleast ngayon alam niyo na. I have my limits naman when it comes to drinking alcohol. Way back in high school naalala ko nagagawa naming magcutting classes just to have fun and enjoy with my friends. Baka may mga minor pa diyan ah? Hindi ko sinasabing good influence ako sa inyo na magcutting classes kayo. Ang babata niyo pa kaya mag-aral muna kayo ng mabuti. Kung hindi maiiwasang uminom just know your limits but study well also. Hindi ka mapapaaral ng alak kung may mangyayari sa'yong masama kapag nalasing ka. Remember that! But anyways, balik tayo sa kaharap ko ngayon. Nakayuko siya habang hawak-hawak pa rin ang baso ng alak.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko. I'm not good at comforting people eh. Hindi naman kasi sa lahat ng oras kapag nagpayo ka susundin nila hindi ba? Ang magagawa lang natin ay samahan sila para pag-usapan ang nangyari. Kung gusto nilang pag-usapan pero kung hindi 'wag nating pilitin.

"Sorry dahil naabutan mo pa kaming nag-aaway kanina..." aniya habang nakayuko pa din. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. I didn't mean to hear everything earlier. Hindi ko ugaling makinig sa mga nag-uusap pero hindi ko alam ba't ako natigilan kanina.

"I'm sorry too for eavesdropping. I didn't mean to hear all your arguments. Sorry!" mahinang bulong ko. Sakto lang para marinig niya.

First time ko lang kasi silang narinig kanina na nag-away sa loob ng ilang buwan nilang pagsasama. Hindi ko lang din inaasahan na hahantong sila sa ganito tho alam ko naman na lahat ng relationship humahantong sa pag-aaway. Relationships aren't perfect! Pwede namang mag-usap ng mahinahon at kalmado. No need to shout nor scream.

"Kasalanan bang magselos ako? Kasalanan ko bang magselos ako sa nakita ko? Jia?" Umangat ang ulo niya at tinignan ako sa mga mata. I can see in his eyes that there is sadness. He's in pain.

Muli siyang nagsalin ng alak sa baso niya't diretsong ininom. Napapikit siya nang lumatay sa lalamunan niya ang alak bago muling yumuko.

"No! It's not your fault, Nez. Ginawa mo lang ang sa tingin mo'y tama. Ginawa mo lang ang nararapat. Ginawa mo lang 'yon kasi mahal mo siya. Mahal mo si Zavier, Nez!" Nilingon niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.

Magulo na ang buhok niya at namumula na din ang mukha niya dahil sa iniinom niyang alak.

"Right! You're right! But...I-I don't think he's feeling the same way I feel in him, Jia. I don't think he's still in love with me." Inabot ko ang balikat niya nang makitang may tumulo sa mga mata niya. Luha.

"No, Nez. Stop overthinking things. He loves you more than you do. I know that. Don't say those things. Huwag mong saktan ang sarili mo, Nez."

"B*llsh¡T," he cussed.

Nang mapansin kong lasing na siya dahil nakalahati niya ang laman ng bote ng alak na siya lang ang umiinom ay hinatid ko siya sa kwarto niya. Sadyang sinamahan ko lang talaga siya. Medyo nahirapan pa ako sa pag-akyat ng hagdan dahil ang bigat niya. Sa tulong ng natitira kong lakas ay inihiga ko siya sa kama niya. Ang bigat ng taong 'to! Inayos ko ang posisyon ng pagkakahiga niya. Pag-atras ko ay may nalaglag na kung ano sa sahig kaya nilingon ko iyon at kinuha.

It's a frame! Their frame together. Ang sweet at genuine ng picture nila dito. Naagaw ng atensyon ko ang gilid ng frame. May bahid na ito ng crack. Oh my gosh! Nakabasag at nakasira pa ako ng frame. Jusko naman! Saktong pagtayo ko ay gumalaw at umungol ng mahina si Nezro. Ibinalik ko muna ang frame sa ibabaw ng side table bago ko muli siyang iayos.

"Good night, Nez!"

Aalis na sana ko ng bigla akong hawakan sa kamay nito at hilahin kaya napasubsob ako sa matigas niyang dibdib. Napapikit ako at napahawak sa bibig. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya at nakitang nakapikit naman siya. Amoy na amoy ko ngayon ang amoy ng alak sa hininga niya kaya naman lumayo ako dito ngunit bigla niyang tinanday ang kamay niya kaya hindi na ako ngayon makaalis sa ibabaw niya.

Shet na malagkit ka naman oh! Kung minamalas ka nga naman diba?

"Hmmm..." Ungol nito. Napapikit ako ng mariin at pinagpapawisan na ako dito ng malamig. Inangat kong muli ang tingin ko sa kaniya at nakitang nakapikit siya kaya dahan-dahan akong gumalaw. Nang malapit na akong makawala sa kaniya ay bigla niya ulit akong hinila at nanlalaki ang mga mata kong napatulala sa posisyon na namin ngayon.

Naglapat ang mga labi naming dalawa habang nakapikit siya at nanlalaki naman ang mga mata ko. Hindi gumagalaw ang bibig niya at ganoon din ako. Sadyang nakadikit lang talaga. Nang makabwelo ay mabilis akong umalis sa ibabaw niya at napahawak ako sa labi ko habang nakatingin sa kaniya.

Oh my God! Oh my God! Don't tell me we kissed? We kissed? No! Oh god! Hindi ko alam kung papaano ako nakaalis sa kwarto niya at nakabalik sa kwarto ko. Lutang na lutang ako hanggang sa mahiga ako sa kama at nakatulalang nakatingin sa kisame.

"What just happened, Jia?" I whispered. Muli akong napahawak sa labi ko. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang paglapat ng mga labi namin.

Oh God! Please! Hindi pwede! We're just friends! This can't be. Hindi pwede 'to! Nezro kasalanan mo'to. Kahit na sabihin kong wala lang yun ayaw tanggapin ng kaluluwa ko. Beh, kiss yun. Come to think of it... We're just friends! For f*cks sake.

Napapikit ako at nagtabon ng unan sa mukha. Ano na lang ang sasabihin ko kung sakali mang magtanong siya kung anong nangyari diba? Di'ba? Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya and worst? Maiilang na ako sa kaniya. Shet! Shet! Shet! Shet! Shet!

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon