Chapter 4

2.7K 46 0
                                    

{Chapter 4}

"Ang cute-cute naman ng bata na 'yan. Manang-mana kay ninong ano? Achuchuchu!" Hindi ko mapigilang matawa sa paglalaro ni Nezro sa anak ko. Kalong-kalong niya si Kalie at marahang isinasayaw sa hangin. Muli akong kumagat sa kinakain kong mansanas habang nawiwili ako sa nakikita ko.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Out of knowhere kong tanong habang pinipisil-pisil niya ang pisngi ni Kalie. Binalingan niya ako ng tingin.

"Hindi muna ako papasok hangga't hindi ka nakakalabas dito sa ospital. Gusto kong nandito ako sa tabi mo hanggang sa makalabas ka na at maging okay ka." Kumunot noo ako bago muling kumagat sa kinakain kong mansanas.

"Okay naman na ako ah! Sabi nga ng doktor anytime pwede na akong marelease."

"It's okay! Wala naman akong amo." Aniya bago lumapit sa'kin at marahang nilapag sa braso ko si Kalie.

"Ang cute ng inaanak ko. Sigurado ako paglumaki 'yan mana yan sa'kin." Anito bago muling hinaplos ang pisngi ni Kalie. Ngumiti ako bago haplusin ang noo niya at haplusin ng pisngi niya. She peacefully asleep in my arms.

"Ako ang nanay kaya natural lang na sa'kin siya magmana." Hirit ko pa pero pag-angat ko ng tingin ay nasa selpon siya at nagtitipa. Tignan mo nga namang taong to! Kakausapin ako tapos tatalikuran. Psh!

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na isa na akong ina. Hindi ko kailanman pagsisisihan ang desisyon kong ito. Gaya nga ng sinabi ko noon, hindi ako lalapit o hihingi ng sustento sa tatay niya. Kaya kong buhayin ang batang to kahit na wala siyang kinikilalang ama. Kakayanin kong maging ama't ina niya. Marahan kong hinalikan ang pisngi ng aking anak bago bumaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Zavier.

"Babe... Saan ka galing? Ba't ang tagal mo?" Bungad sa kaniya ni Nezro habang abala ito sa pagkalkal ng mga gamit sa bag.

"Ahh..." Alanganin akong ngumiti nang tignan ako ni Zavier. As if may gusto siyang sabihin sa'kin.

"Someone wants to visit you, Jianna."

Nilingon naman ako ni Nezro at nagkibit-balikat na lang ako bago tuluyang umalis si Zavier sa pinto at pumasok sila mama at kasama niya si papa.

Tumikhim si Nezro kaya bumaling ang tingin ko sa kaniya.

"Maiwan ko muna kayo." Nakayukong aniya at hinigit si Zavier palabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayong nasa harapan nila ako at kalong ko ang anak ko na apo nila. Lumapit si mama sa akin at sinilip ang anak kong mahimbing na natutulog.

"Napakacute naman ng batang 'yan. Manang mana sa lola hehehe." Kung makapagbitaw siya ng salita animo'y hindi kami nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan eh.

"Babae po ang anak ko at Kalie ang palayaw niya." Cold kong saad.

"Ang ganda naman ng pangalan niya anak. Maaari ko ba siyang kargahin?" Marahan naman akong tumango at dahan-dahang inilipat sa bisig niya si Kalie. Samantalang tahimik naman si papa na pinagmamasdan si mama habang henehele si Kalie. Nakatutok lang din ako kay mama.

"Kumusta ka? Hindi ka ba nahirapan sa delivery mo anak?" Tanong ni mama habang henehele si Kalie. Nilingon ko si papa sa couch na tahimik lang at pinagmamasdan kami.

"Hindi naman ma. Normal delivery naman ho ako."

"Pwede ka na bang makalabas?" Nilingon ko si papa ng magsalita siya. Hindi niya ako tinitignan as if guilty siya sa mga sinabi niya sa'kin o sadyang ako lang itong assuming na magiguilty siya. Hayy...

"Anytime sabi ho ng doktor p-pa." Sa wakas ay binalingan niya na ako ng tingin ng banggitin ko ang salitang papa. Hindi ko alam kung matutuwa ako o anong mararamdaman ko ng tumayo siya at yakapin ako. Bigla na lang kasing tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ang bisig niya sa'kin.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon