Chapter 42

972 11 0
                                    

{Chapter 42}

Third Person's Pov:

Tahimik na pinagmamasdan ni Jarren ang katahimikan ng paligid habang siya ay nakatayo sa veranda ng kwarto. Malalim ang kaniyang iniisip at tila ba ginugulo siya ng mga bagay-bagay at isa na doon ang tungkol sa kaniyang secretary. Si Kalie.

Simula nang bumalik sila ng manila nito mula Davao ay bigla-bigla na lang siyang nawawala sa sarili. Tila ba may bumubulong sa kaniya na hindi niya maintindihan dahilan para mawalan siya ng focus sa kaniyang trabaho. Isa na doon ang gaan ng pakiramdam niya noong nagkwento si Kalie sa kaniya tungkol sa buhay nito. Hindi talaga niya maintindihan ang pakiramdam niya na para bang iisa lang sila. Yung pakiramdam niya na konektado sila sa isa't isa gayong hindi naman sila ganoon ka-close at idagdag pang sekretarya niya lamang ito ngunit iba ang epekto nito sa kaniya.

Sumimsim siya ng inom sa hawak niyang baso na may alak. Gusto niyang makatulog pero kanina pa siya hindi dinadalaw ng antok.

Mula sa kaniyang likod ay naramdaman niya ang mainit na yakap ng kaniyang asawa, si Natasha.

"Hon, hindi ka pa ba matutulog? Kanina ka pa dito, aren't you gonna sleep? It's already late in the evening." Nababahalang tanong nito sa kaniya.

Umiling siya at muling sumimsim ng inom sa baso. Kumalas naman si Natasha ng yakap at tumayo sa gilid niya ng marinig nitong bumuntong hininga siya.

"Hey, is there anything wrong? What happened, is that about the company? May problema ba?" Sunod-sunod na tanong nito dahilan para lingunin niya.

"Nothing hon, it's just that... I can't sleep." masuyong anito at hinaplos ang pisngi ng asawa.

"Okay, sabi mo eh. Mauuna na akong matulog sa'yo hon, maaga pa ako bukas. Sleep ka na rin after mo niyan." pagpapaalam nito sa kaniya na tinanguan niya lang.

"Yes hon, good night."

"Good night."

Hanggang sa makahiga na siya at ipikit ang mga mata niya ay nandodoon pa rin sa isipan niya ang mga tanong hindi niya alam kung saan galing.

"Her surname's sounds very familiar. Iisa lang ang taong alam ko na may ganoong apelyido and it's Jia." bulong niya.

Muling nagflash back sa kaniya ang sinabi ni Kalie noong nasa Davao pa sila.

"Uhm, alam niyo po... siguro naman hindi lang ako ang may apelyidong Fuentebella. Marami ho at baka isa dun ang nakatagpo mo. Wala naman ho sigurong apelyido na isang tao lang ang gumagamit."

Umikot siya ng pwesto facing his wife was peacefully sleeping beside him.

Iisang bagay lang ang nagpapagulo sa isipan niya at yun ay ginugulo siya ng apelyido ni Kalie.

∆•∆•∆•∆•∆

"Oh tapos? Pinahiya mo?"

Naeexcite na tanong ni Shanti habang nagvivideo call kami ngayon. Nandito ako sa kwarto ko at busy na inaayos ang mga emails para isend sa mga investors ng kompanya. Inutos kasi sa'kin 'to kanina ni Sir Jarren and sabi niya'y pwede ko daw itong gawin sa bahay kaya inuwi ko at habang gumagawa ay bigla namang tumawag si Shanti. Wala akong choice kundi i-marites sa kaniya ang mga kaganapang nangyari sa'kin.

"Hindi naman sa pinahiya dahil habang sinasabi ko yun kaming dalawa lang naman at walang tao. Ang sabihin mo sarili niya ang pinahiya niya sa'kin noh, aba hindi ko siya uurungan."

"Pero girl, anak siya ng boss mo. What if magsumbong 'yon? Hindi mo ba naisip?" aniya.

Natigilan naman ako sa pagtipa sa sinabi niya. Oo nga noh? Pero bakit niya naman gagawin yun? Ano siya bata? Ang immature naman niya sa part na 'yan kung sakali.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon