Chapter 31

1.2K 17 1
                                    

{Chapter 31}

Kinaumagahan, hindi ko na naabutan si Selest. Ani mama ay umalis ito at nakabihis. Hindi na nga raw siya nag-abalang magtanong dahil mukhang wala raw ito sa mood.

Saan na naman kaya siya pumunta?  Bumalik na naman ba siya sa mansyon ng mga Montefiore?

Dahil sa naging sagutan namin kagabi ay hindi ko maiwasang hindi maguilty. Ano ba kasing mga pinagsasasabi ko kagabi?

"Anak, okay ka lang?"

Napatingin naman ako kay mama.

"O-Oo naman ma, bakit?"

Bumaba ang tingin niya sa hawak kong garapon bago muli akong tignan.

"Magtitimpla ka ng kape pero bakit garapon ng paminta 'yang hawak mo?"

Napatingin naman ako sa garapong hawak ko at nasapo ko ang noo sa nabasa dito. Napapailing na lang si mama na umalis dala ang tinimplang kape niya.

Ano ka ba naman, Jia? Kailan pa nagkapaminta ang kape? Wala sa sariling natawa na lang ako sa aking naisip.

Matapos kong mag-almusal ay gumayak na ako para maihatid si Kalie sa kaniyang klase pagkatapos ay nagdesisyon na rin akong mamalengke kaya si mama lang ang naiwan si bahay dahil abala siya sa kaniyang mga alagang tanim. Isasama ko sana siya kaso ayaw daw niya at maiiwan na lang siya para alagaan ang mga nalanta niyang tanim sa likod-bahay kaya hinayaan ko na lang. Mamaya pag-uwi ako na lang din ang magluluto ng pananghalian.

Ayoko na din kasing naggagagalaw pa siya. Pero ayaw din naman niyang laging nakaperme. Gusto niya lagi siyang may ginagawa. Aniya mas lalo lang daw siyang manghihina kapag wala siyang ginagawa. Hays, ewan ko ba minsan 'tong mga nanay natin hindi natin maintindihan sa mga motto nila sa buhay.

Matapos kong maihatid si Kalie ay dumiretso na agad ako sa palengke. Namimiss ko na'ng kumain ng sinigang na baboy kaya naman iyon ang lulutuin ko. Nang makabili ako ay napadaan ako sa tapat ng mall ng dati kong pinagtatrabahuan. Coffee shop ito at dito ko madalas nakikita si Kharl na laging nakatanaw sa akin.

Sa kaniya kaya itong Coffee shop?

Hindi ko alam pero nakita ko ang sarili kong nakatayo sa harap nito at nakatingin sa loob.

Paalis na ako nang mahagip ng paningin ko si Kharl sa may counter at may kausap na babae. Nakatalikod ang babae sa'kin at nagtatawanan sila. Napabuntong hininga ako habang nakikita ang tawa ni Kharl.

Nakakamiss din pala siya kahit papaano. Yung mga pangungulit niya sa'kin...
Yung mga binibigay niyang gifts, chocolates at flowers sa'kin tuwing pupunta siya sa store noon. Inuuwi ko iyon at binibigay kay Kalie. Tuwang-tuwa naman ang bata sa tuwing umuuwi akong may mga pasalubong sa kaniya na galing kay Kharl.

Nanatili akong nakatayo doon nang makita niya ako. Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng makita ako. Yumuko ako at tumalikod na.

Hindi na dapat ako nagpakita pa. Hindi ko din alam bakit dito ako dinala ng mga paa ko eh.

Dire-diretso lang ang lakad ko. Patawid na sana ako sa kabilang kalsada nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko dahilan para lingunin ko ang kung sino man iyon.

"Jia!"

And there... I saw Kharl.

Hindi ko alam kung ngingiti ako pero tumango lang ako at tumalikod na. Hinayaan kong tumulo ang luha ko at binilisan ang paglalakad.

Siguro luha ito ng panghihinayang. But at the same time, masaya ako dahil masaya na siya dahil wala na ako sa buhay niya.

Nakarating ako ng bahay ng tulala kahit habang nagluluto ako ay tulala ako mabuti na lang at nandiyan si mama at siya na lang daw magpapatuloy sa ginagawa ko.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon