Chapter 24: Awakening
Para kaming kinapos ng hininga pagdating namin sa garahe. Pinarke ko naman ang aking motor sa puwesto nito.
"What happened? Saan ang iba?" bungad ni Mang Simon.
"We can't contact them during the mission chief. Kami lang ang nandun." sabi ni Gerald na kababa lng ng sasakyan.
He eyed on each of us making sure na okay lang kami at walang nasugatan. Tinignan naman niya ang dalawang kambal na maingat pa rin sa pag mamasid sa paligid.
"Pumasok muna tayo sa lounge at nang makapagpahinga kayo. Naghihintay na rin ang mga healers para sa mga sugat na natamo niyo."
Hawak-hawak ko pa rin ang katana ko na hindi pa nalilinisan simula nung labanan. Tahimik kaming nakasunod kay Tatay Manong at pumasok sa isa pang kwarto. Ang lounge area ng underground headquarters na to. Kung tatanungin niyo ko kung gaano ba kalaki ito ay hindi pwede dahil classified. Pero ikinatitiyak kong kulang ang isang araw para libutin ito at posibleng maligaw ka kung hindi mo kinabisado.
Malaki-laki rin naman ang lounge area na ito. Napapalibutang ng mga sofa at iba't ibang bean bag. May malaki ring tv sa gitna ng pader na ito. Sa gitna ay ang katamtaman na mababa na lamesa. Nadatnan naman namin ang mga katulong na naglalapag ng mga meryenda sa mesa at lumabas rin pagkatapos.
"Make yourself comfortable. Hihintayin muna natin ang iba. I'll sent back-up kung wala pa ring balita sa kanila. Magpahinga muna kayo." sabi ni Tatay Manong.
Umupo naman ako sa pinakudulong sulok na couch. Kinausap naman ni Tatay Manong ang magkapatid na kambal. May dumating naman na mga mangangamot na agad iniasikaso ang mga kasamahan ko. Hindi naman malalim ang natamo nilang sugat pero dahil walang hinto ang pag gamit ng ability nila ay para silang lantang gulay na nawalan ng enerhiya. They need time to restore or worst their abilities will consume them.
I saw how Glenn's hand have remaining burns and wounds, Gabriel have several deep cuts from his ability, Gerald looks paler than most of us. Who wouldn't? he's been shielding us all the time while fighting the cataracts at the same time. Double damage sa kanya yun. Si Harry naman ay nangingitim ang mga kamay. Pati si Vince ay mukhang na trauma sa nangyari.
I couldn't help but look at them with worried face. Hindi lang nila sinasabi pero alam kong pagod at sakit ang nararamdaman nila ngayon. The healers are doing their job naman kaya I'm just hoping na gumaling rin sila ka agad. Each of them has one healer, they put their palm together at umilaw ito sa kulay berde at para bang nasa isang malaking bubble sila. I also saw a glimpse how their wounds immediately heal.
Inaantok naman ako at ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng buo kong katawan. Hindi ko na pinansin ang mga natamo kong sugat kanina at nakatulog na.
"Molly, wake up. Andito na sila." nagising ako sa mahinang pagtapik ni Harry.
"How long did I fall asleep?" tanong ko habang inaayos ang sarili ko sa upuan.
"15 minutes you sleepy head." pag ngiti nito sabaygulo ng buhok ko.
"Guys! Thank God! Asan ba kayo? Kung hindi pa namin nakita mga tauhan nila Morgana ay di pa kami aalis kakahanap sa inyo." bungad ni Rey Ann habang nakahalukipkip sa gitna.
Nagsidatingan naman ang iba at sumalampak sa mga upuan. Kagaya namin ay madungis, mga pasa at sugat rin ang natamo nila.
"We've been trying to contact but no luck. Jammed ang signal." Gerald replied looking better than his state earlier.
"Asan ba kayo?" tanong ni Harry.
"Sa kabilang kanto. We were mob! Pagdating namin ka agad dun ay inaatake ng mga cataracts ang mga civilian." sabi ni Maynard na halong pag inis.
BINABASA MO ANG
Chronicles of HIRAWEI: The Owl Phases
FantasyIt started in midsummer where magic rarely appears. A struggle between humans and nature by combining man-made structures with elementals, charms, flora, and fauna, all coexisting in a forced, urban manner. The only way you'll see is the solitary tr...