Chapter 2

206 21 28
                                    

Chapter 2: His Sealed

"Andito na ako." sabi ko habang papasok sa sala ng aming bahay.

Simple lng naman ang bahay namin, classic-modern style.
Pagpasok mo nang bahay bubungad saiyo ang hagdan namin paitaas na nahahati sa magkabilang pasilyo. Makikita mo din ang chandelier sa gitna ng aming bahay, sa kaliwa kung saan ang aming sala at sa kanan naman ang papasok sa dining area, kusina at ang dulo ng kusina ay ang quarters ng aming mga katulong.

Kumpleto din ang gamit nila dun pagpasok mo ng pinto nila bubungad saiyo ang sakto lng na sala na sapat para sa kanila at may lamesa para sa hapag kainan at limang kwarto sa loob.

Bago ka makapasok sa dining area na malapit sa gilid ng hagdan ay nandon ang engrandeng piano namin na pinagdaanan na ng panahon pero wala ni isang bakas ng kalumaan makikita nito.

Sa taas ay nandon ang apat na magkakatapat na mga kwarto. Ang pinakahuling dulo sa bandang kanan nang hagdan kung saan ang hallway papunta sa veranda ng aming bakuran ay ang kwarto ko. Sa tapat kong kwarto ay yung study room namin na pinasadya nang aking lolo na pagtapatin ito sa aking kwarto sapagkat kahiligan ko ang pagbabasa ng libro. Di ko yata 'raw padaanin ang araw na walang hawak ng libro. I prefer books cause that what makes me feel at ease while staying at cruel reality.

Sa bandang dulo naman ay ang kwarto ng aking lolo at lola at ang tapat nun ay ang walang laman na kwarto ng guestroom.

"Andito ka na pala apo." nagmano ako at umupo sa sofa kaharap niya.

"Saan pala si Lola, Lo?" tanong ko kay Lolo.

"Andun sa kusina, naghahanda ng hapunan natin." sagot niya habang umiinom ng kape na nakahanda sa lamesita.

Lolo Fred is 77 years young– yes young. Hindi niya gustong tawagin syang matanda sapagkat ito'y napakalusog at maliksi pa daw. While Lola Lorna naman is 74.

"Ahh, bakit po napatawag kayo?" Lolo was about to speak, pero bumuntong hininga pa muna sya.

"Sasamahan mo ako sa isang lugar. Di pwede ang Lola mo atsaka may edad na yun ayokong mapagod yun."

Hayss si Lolo talaga, kala ko na kung ano. Pinakaba pa ako dito. "Syempre naman po! Kung para sayo eh." Natatawa ko nalang na sagot.

"We already packed your things para di ka na mahirapan magligpit at agaran tong lakad natin kaya di ko na napa alam sayo." Aniya.

Huh? At saan naman kami pupunta at kailangan may mga damit pang dala? "Teka lng po, magtatagal po ba tayo dun? at para saan namang yang pupuntahan natin?"

"Malalaman mo rin." Tipid niyang sagot.

Naka kunot noo'ng tinignan ko sya. Madami akong gustong itanong pero syempre baka matalakan na naman ako nyan baka magalit kaya mas mabuting manahimik nalang ako at sumunod.

⋆⋅☆⋅⋆ ༻✦༺ 。☬————☬。 ༻✦༺ ⋆⋅☆⋅⋆

Maya maya lang ay nagpa-alam na kami kay Lola. She said some things na hindi ko na din naintindihan kasi nga na bad mood na ako.

Paano ba naman kasi pinabitin pa nila ako at di sinabi ang dahilan, saka ko na malalaman na  nangyari na.

Napabuntong hininga nlng ako nang ilang ulit bago nakapag mano kay Lola at sumakay na sa naka abang na kotse sa gate. Pina-una muna ako ni lolo kasi may sasabihin muna daw sya kay lola saglit bago kami umalis. Habang naghihintay ako sa kotse ay nagbasa nalang ako ng librong dinala ko. Mga 15 minutes din ang tinagal ni Lolo at sumakay sa front seat.

Naiwan akong nagtataka sa backseat kung saan patungo ang byahe namin. Tinahak namin ang daan papunta sa city ng Cagayan de Oro medyo may traffic dahil rush hour na din kaya panigurado na kung saan kami pupunta ay magagabihan na kami. Pinasadahan ko nalang ang tingin ko sa bintana ng kotse at tinanaw ang makulimlim na mga ulap.

Chronicles of HIRAWEI: The Owl PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon