Chapter 33: The White Rose
Kasabay ko silang naglalakad ngayon patungong cafeteria building. Sa Hideout na rin kasi ako nila pinatulog dahil may sarili naman daw akong kwarto dun. Halos ang usapan nila kagabi ay tungkol sa lagusan at kung bakit konektado ito sa Hideout— ang tinutuluyan ng Nobilissimus Association.
Ipinaliwanag sa amin ni Mang Simon kung bakit, ay dahil kung may magtatangkang pumasok sa lagusan ay makakasalamuha muna kami. No one's allowed inside the Hideout except with the members itself. Kung galing naman daw sa CSA no one can enter that room unless pinahintulutan daw. Parang invisible sa lahat ang portal.
Lunes na dito, at ipinagtaka ko kung bakit parang normal ang nagyari at para bang hindi kami nawala ng matagal. In-explain naman sa akin ni Gerald yung "A day in mortal realm consist with a week in HIRAWEI." ay kataga lng pala kung titingnan mo sa kalendaryo.
Pero ang oras nila ay pareho-pareho lng din. Magulo at di ko gets pero hindi ko naman iniisip yun. Kaya one week lang daw kami nawala at sanay na daw ang ibang estudyante na minsanan lang makita ang elite class dahil sa mga missions.
Naka uniporme kaming lahat at mabilis pa sa red sea humati ang mga estudyante kapag dumaan kami.
"Omgggg girl! Ang gwapo-gwapo talaga ni Mr. President."
"Ayan na ang Core Four!!"
"My Prince, Please marry me!!"
"Shemay! Ang gwa-gwapo at ganda nilang tignan!"
Ilan lang naman yan sa mga tili, sigaw at hiyawan ng mga kinikilig na kababaihan at agaw pansin ang pag papansin nila sa mga kasamahan ko. Ang mga lalaki naman ay dinig na dinig ko ang pagtatawag ng pangalan nila sa mga babae kong kasama.
Kita ko naman sa harap ko ang pagpapakilig sa mga babae nila Jerson, Lorenz, Ghiovanni at sinasabay-bayan pa ni Earl ng pagkaway-kaway na tumatawa kahit may lollipop na naman ito sa bibig niya.
Mga mahahangin! Hindi naman mga artista tong kasama ko pero ang O-OA ng mga estudyante dito!
Nakatambak kasi ang lahat ng estudyante sa tapat ng building kung saan open ground ito at klase-klaseng mga booths ng ibat-ibang clubs na naghihikayat.
Dumaan lang kami dito para tignan lang kung maayos ba ang lahat. At dahil nasa bente kami at agaw pansin naman talaga ang grupo namin ay lahat sila tinitingala kami. Bukod sa kami lang pala ang ibang kulay ng blazer na itim ay lahat ng estudyante ay kulay puti.
Papunta kami ngayon ng canteen hall para kumain ng agahan dahil lahat kami pagod at walang nag volunteer para mag-luto. Mas lalong umingay ang mga bulungan ng estudyante na lalo kong ikinadismaya. Dali-dali naman kaming umupo sa VIP section na para lang sa amin. Ngayon ko lang din nalaman na exclusive area nila pala ito.
Nag volunteer naman sina Ken, Maynard, Mark at Harry para makapag order.
"Besty, ang tahimik mo." bulong sa katabi kong si Florence.
Hindi ko na lang ito pinapansin, hindi dahil sa ayaw kong kausap ito kundi madaming bumagabag ngayon sa isip ko. Mahaba ang pasensya ko pero hindi ko alam kung ano pang mangyayari pag mawala ako ng control sa sarili ko.
Kasagutan. Yun lang naman ang gusto kong marinig sa libong-libong katanungan sa isipan ko. Pilit kong pinag dugtong-dugtong at intindihin ang lahat pero isa pa rin itong blanko. Kada may malapit na akong masagot ay bigla naman may bagong palaisipan.
Naputol naman ang pag-iisip ko ng isang kamay ang nag lagay ng pagkain ko sa harap. Inangat ko naman ang tingin ko.
"I bought you, your favorites." ngiting malapad ni Maynard at umupo sa harap ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/121189626-288-k283575.jpg)
BINABASA MO ANG
Chronicles of HIRAWEI: The Owl Phases
FantasíaIt started in midsummer where magic rarely appears. A struggle between humans and nature by combining man-made structures with elementals, charms, flora, and fauna, all coexisting in a forced, urban manner. The only way you'll see is the solitary tr...