Chapter 20

12 7 0
                                    

Chapter 20: All Is Well

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmula sa bintana ng aking silid. Anong oras na din kami nakatulog kagabi, sinabayan rin kasi kami ni Harry. Hinatid naman niya ako dito sa kwarto at nabigla pa ako na walang pagbabago ang mga gamit ko dito nung huli kong iniwan.

Tinignan ko ang orasan sa bedside table at nakadikta ang numerong alas otso na ng umaga. Tumayo ako at pumunta sa veranda para makalanghap ng simoy ng hangin. I was just closing my eyes holding the barricades with flowers bed on it. Tumigil lang ako nung may nadinig akong sumisigaw ng pangalan ko sa baba.

"Ate Molly! Magandang umaga!" bungad ng matinis na boses ni Earl habang nakabungisngis at kumakaway.

Nakalimutan kong nakaharap pala ang kwarto ko sa likod ng bakuran namin. Isa lamang ito malaking hardin at mahigit isang kilometro galing sa bahay ay ang headquarters namin. Ngumiti ako ng nahihiya ng napagtanto kong halos lahat sila ay nag aalmusal sa mahabang mesa na naka pwesto malapit sa kahoy sa gilid na bahagi. I really don't like attention but I didn't mean to do it.

Agad naman ako bumalik sa loob at dali-daling pumasok sa sariling banyo ko. Pagkatapos ng sampung minuto ay nakaligo at nakabihis na ako. Nag suot lng naman ako ng puting t-shirt at black na shorts, total nasa bahay lang naman ako. Dali-dali ko naman sinuot ang eyeglasses ko at lumabas na ng kwarto.

"Good morning po ma'am." ngiti at pag yuko ng kasambahay namin na naglilinis sa hallway.

"Good morning rin po." sabay sabi ko at bumaba na ng hagdan.

Nadatnan ko naman sa kusina si Manang Inday na kumukuha ng iba pang mga pagkain.

"Magandang umaga po manang." sabay sabi ko habang tinutulungan siyang magdala ng mga pagkain. "Ako na po nito."

"Ay naku iha! Wag na." sabay pilit niyang kukuhain ulit ang plato na nag lalaman ng mga bacon.

"Okay lang po, hindi naman to mabigat."

"Oh sige, tara na sa likod at nang makakain ka na rin. Andun na lahat ng kaibigan mo pati na rin si Don Señor. Pinagising kasi sila ng maaga ni Simon." sabi ni Manang Inday habang naglalakad kami patungo sa direksyon nila.

"Good morning, Morgana!" sabay sabi ng ilan sa kaklase ko na parang nag aasar dahil sa pilit na hindi pag tawa sa mga mukha nila. Mga kutong lupa talaga ang mga utak.

"Magandang umaga apo, halika at sabayan mo kami sa pagkain." sabi ni Papa at nilapag ko naman ang dalawang plato ng bacon sa lamesa.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan na tabi nito. Parang may handaan dahil lahat kami nakaupo sa mahabang lamesa at klase-klaseng pagkain ang naka hapag. Pinagsalin naman ako ng plato at kanin ni Manang at nagpasalamat naman ako. Umalis na rin siya dahil may gagawin pa raw siya at tawagin lang siya pag may kailangan. Tahimik naman akong nagdadasal at sinimulan na ang pagkain.

Di ko namalayan kaharap ko pala si Harry na nagmamasid. Inubos ko muna ang pagkain saking bibig bago nagsalita.

"What?" I asked him.

"Kumusta tulog mo?" tanong niya pagkatapos uminom ng tubig.

"Okay lang naman." at bumalik na ako sa pagkain.

Naging abala ang lamesa ng ingay, alitan at tawanan nila pero hindi ako umiimik at nakikinig lang habang kumakain. Ng makitang busog na ang lahat ay hindi pa rin sila tumatayo, too polite to say no because grandfather is here.

"Kung tapos na ang lahat kumain, may 20 minutes kayo para makapag handa para sa training. Siguro ay nasabihan naman kayo ni Sigismund diba? We'll meet back here again. You'll free to roam around except the out of bounds and familiarize the place. We'll be spending a week here and I hope each of you are well prepared." ngiting sabi ng Headmaster namin at tumayo na.

Chronicles of HIRAWEI: The Owl PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon