Chapter 49 • 2

10 0 0
                                    

Chapter 49 2: History

Sa mahigit ilang taon kung pangungulila. Sa higit ilang taon kung pagsisi sa sarili ko at madaming tanong sa isipan kong hindi pa nasasagutan ay bakit ba sa ganitong paraan?

"Arianrhod." malamig na tugon pa rin ng boses ng lalaki na matagal ko nang hindi nadidinig. "Anak."

"Hindi magandang biro ang sinabi mo." pagtawa ko ng payak.

Kung titingin ako sa mga kasamahan ko alam kong naawa sila sa kalagayan ko ngayon. Tumatawa na kasi ako na naluluha pa para na akong baliw dito pero ano bang magagawa ko? Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"Kumusta ka?" malumanay na tugon ng ama ko na alam kong patay na.

"Bullshit!" inis at galit kong sigaw sa kanya.

Tinignan ko naman siya sa galit. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Pinaglalaruan lang ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Buhay siya! Oo! Buhay ang daddy kong iniwan ako simula bata pa ako.

Lumakad naman ito sa gawi ko pero pinigilan ko na siya. "Huwag mong subukan na lumapit pa sa akin." malamig at deretsang sabi ko sa kanya.

"Kukunin lang kita dahil anak kita." tipid lang na sabi nito na parang walang emosyon.

Tumawa naman ako at napatingin sa langit para pigilang ang mga luha na nagbabadyang tutulo ulit. Nakakagago! Bakit ko ba iniiyakan to?!

"Anak? Na-alog ba ang utak mo at nakalimutang mong may responsibilidad ka?" tingin ko sa kanya. "Such a bastard, you know that dad right? You fucking left and came back as dead body? What the fuck are you on?"

"Wag mong pagsalitaan ako ng ganyan." insi na sagot nito. Hindi ko alam kung may konsensya ba talaga 'to hindi man lang makiramdam.

"Sabihin mo nga daddy," pagdiin kong tawag sa kanya sa galit. "Minahal mo ba talaga si mommy? o inakan mo lang talaga siya dahil may gusto kang makuha sa kanya?"

"Mahal na mahal ko kayo kaya wag mong kwestyunin ang pagmamahal ko sa inyong tatlo."

Napahinto naman ako at naguguluhang tumingin sa kanya. Anong tatlo? Hindi ako umimik at naghihintay sa isasagot niya pa.

"Maynard?" tawag nito sa gawi ni Maynard na parang na estatwa at nagmamasid lang. "Hindi mo pa ba sinasabi ang katotohan sa kapatid mo?"

Parang nabingi ako sa narinig ko at mas lalong nanginginig ang kalamnan ko. May kapatid ako? Sino? Bakit hindi ko alam 'to?

Tinignan ko naman si Harry para maghanap ng sagot pero nakayuko lang ito at tumahimik. Nang ma proseso ay natawa na lamang ako ng sarkisto.

"Alam mo ba?" tipid kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot at lumihis lang ng tingin. Kaya pala pinipigilan niyang may sabihin si Hellsid kanina dahil may alam siya?

"Morgana, matandang kapatid mo si Maynard." malumanay na sabi ni daddy.

Napasinghap naman kaming lahat maliban kay Mark, Ken at Harry. Alam nila, alam na alam nila.

Chronicles of HIRAWEI: The Owl PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon