Chapter 26: Endless Possibilities
Kalmado akong nakikinig sa mga sinasabi nila Mang Simon at Mr. Kill. Pero, ang totoo ay lutang ang isip ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa akin kanina sa di ko malaman na dahilan. Medyo distansya nang kaunti akong nakaupo sa benches, na kaharap namin ang mga instructor namin ngayon para sa field training. May mga klase-klaseng armas at kagamitan ang dinisplay sa lamesa habang tinuturo nila kung paano gamitin ang mga ito.
Nalaman kong hindi sila sanay sa combat at tanging ability lang nila ang ginagamit sa pag laban. Pero dahil nga hindi naman unlimited ang pag gamit ng ability nila ay nang-hihina pa rin sila. Sa ASSEA kasi may physical training raw sila na hindi ginagamit ang ability kumbaga para masanay ang katawan nila lumaban. Hindi daw nila nakasanayan gumamit ng kahit na anong armas maliban sa traditional gaya ng pana at palaso, espada o katana at iba pa. Nadinig kong hindi na raw kailangan nila ito dahil kaya naman nila, pero mas mabuting nang may malaman daw sila kahit papano.
Maliban kay Harry ay may illan lang sa klase namin ang marunong humawak at makipaglaban gamit lang ang mga armas. Kaya sinasanay sila para hindi lang rin sila mag depend sa kanilang abilities.
"Simmons, you'll be the first one. Pick your weapon first, you can pick anything you want." tawag sa akin ni Mang Simon o mas kilala na Chief Sigismund sa kanila.
Nakatingin lang ako sa lamesa at minamasdan ito, sinasaulo ko kung para saan ang mga armas. Mas sanay ako sa long range kasi tamad akong makipaglaban ng malapitan minsan. Wala yung katana ko dito malamang kapag kinakailangan lang kasi nagagamit yun.
"Do you want to use your own weapon?" bulong ni Mang Simon na tiningnan ko naman ng pagtataka.
"What for?"
"Hindi ka sanay gumamit ng mga armas na hindi sa'yo."
"Okay lang po, kaya ko naman."
"Sige, mamili ka na. 20 minutes lang naman run time natin." pag ngiti nito.
Nag nod lang ako at kinuha ang isang baril, bala, pana at palaso. Isinabit ko ang palaso sa aking likod at nilagay sa holster ang baril at mga bala. Hawak-hawak ko naman ang pana at nakatalikod na sakanila, habang papalakad sa platform na kung saan ay may X na marka.
"We will have the same stimulator sa dome at may mga mages na nakahanda para dun. 20 minutes run time at kailangan mo makuha ang puting flag na andun sa dulo. Let's begin!" masayang sigaw ni Chief at biglang dumilim ang paligid.
Napansin ko ang mist na bubble na unti-unting bumaba sa paligid ko at ng pag talikod ko wala na ako sa training field namin. Wala na rin yung mga kaklase ko na nasa benches kundi parang abandonadong gusali ang nasa likod ko. Nasa alleyway ako.
Paano ba ako magsimula?
The first thing to do in this kind of situation, is to think of a plan. A plan is a must. Where would they put the white flag? Where should I go? It's the common questions you have to answer before you step into the battle ground.
Dahan-dahan ako naglakad papalabas ng alleyway. Ganito pala ang feeling kapag nag lalaban sa loob dito. Malamig at napakatahimik. The eerie feeling just added to the tense of this place.
Madilim at abandonado lahat. Mga biyak-biyak na gusali ay nagkalat sa daan. Even the street lights keeps flickering. Nararamdaman kong may nag mamasid at inaabangan ako.
Naglalakad lang ako sa main road at mahigpit na hawak sa aking pana habang taimtim na ina-analyze ang aking palagid. I open all my senses, alerto ako habang pinapakalma ang aking sarili.
May nadinig akong paang tumatakbo sa likod ko at sadyang pinatabig ang sirang taxi na gumawa pa ng kalawang na ingay at nahulog ang mga bubog na salamin nito.
BINABASA MO ANG
Chronicles of HIRAWEI: The Owl Phases
ФэнтезиIt started in midsummer where magic rarely appears. A struggle between humans and nature by combining man-made structures with elementals, charms, flora, and fauna, all coexisting in a forced, urban manner. The only way you'll see is the solitary tr...