Chapter 45

4 0 0
                                    

Chapter 45: Omen of Death

"Girls! Are you here?" Dexter's voice echoed outside the bathroom.

"Inside!" Florence shouted back.

"We need to go— WTF?!" balisa naman pumasok si Dexter at napa-upo ng makita ang nag kalat na dugo sa sahig.

"It's not us." plain na sagot ni Florence.

"W-What happened here?" nagtatakang tanong nito.

"See for yourself." seryosong sagot ni Kim at tinuro ang cubicle na bahagyang nakabukas.

Naghihintay lang kasi kami dito sa bukana ng pintuan, para sa awtoridad na aasikaso nito. Pero kanina pa kami at hanggang ngayon walang maski isa dumating.

Sinamahan ni Kim kanina yung witness na babae para sabihan yung bartender sa manager nila ang nangyari sa loob. Pero, bigla na lang tumakbo daw paalis yung babae.

Bakas sa mukha ni Dexter ang gulat pero naging seryoso rin ang kanyang ekspresyon. Bigla na lang itong tumalikod at hinila sa kamay si Florence.

"Let's go." tipid lang na sabi nito.

"Hoy! Bitiwan mo nga ako!" pag pupumiglas ni Florence.

Nag-katinginan naman kami ni Kim pero kalaunan ay sumunod naman kami. Nagtataka naman kaming tatlo kung bakit biglang tumahimik yung paligid.

Sigurado akong mga talsik ng dugo ang nakikita ko sa daanan kahit kamumunting ilaw lang ang gabay namin. May hindi tama dito.

"Sa backdoor tayo dadaan." banggit ni Dexter.

Nasa kabilang pasilyo pa ang backdoor at madadaanan pa namin ang bar counter na inupuan namin kanina.

Papalabas na kami ng pasilyo galing C.R at bumungad sa amin ang mga nag kalat na dugo sa iba't-ibang bahagi ng bar.

"Anong nangyari dito?" seryosong sagot ni Kim.

"There's no time, I'll explain later. Let's just get out of this hell-hole right now." sagot ni Dexter sa kanya.

Lakad-takbo ang ginawa namin habang pasulyap-sulyap sa paligid. Nagkalat ang mga dugo at bangkay ng mga yumao na dumalo sa party kanina. Hindi ko alam kung swerte lang ba kami dahil nasa C.R kami ng mangyari ang lahat ng ito.

Madaling binuksan ni Dexter ang pintuan pero tumambad sa amin ang isang bungo na naka cloak at nagliliyab pa ito sa apoy.

"Watch out!" sigaw ko at hinila sila pabalik at dumistansya kami. Nagulat pa ako dahil tutuloy sana sila.

"Styles! Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit mo ginawa yun?" galit na sigaw ni Dexter.

"You can't see that?!" hingal at natataranta kong sambit.

Hindi ko alam kung dahil ba sa adrenaline rush kaya parang nag hahalo lahat ng emosyon ko ngayon na hindi ko maintindihan.

"Anong hindi namin nakikita?" seryosong sagot ni Kim.

"For pete's sake! Muntik na kayo mamatay! Ayon oh!" tinuro ko ang bukuna ng pintuan at andun pa rin ang lumulutang na bungo.

"Ang alin ba besty? Wala namang tao ah?" nagtataka rin tanong ni Florence.

"I don't know why you can't see that. But, there's a skull face floating on its black robe with burning fire." walang buhay kong sambit.

Seryoso naman silang nagkatinginang tatlo at sinusuri pa ako. May alam ba silang hindi ko nalalaman?

Chronicles of HIRAWEI: The Owl PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon