Chapter 49 • 1: History
"What's happening?" sabi ni Florence habang natataranta sa takot.
"Lakasan mo ang iyong loob, wag kang panghinaan." sagot naman sa kanya ni Akirra.
Dumoble ang lamig na nararamdaman namin kanina. Nakakatakot na aura ang pumapalibot sa amin na hindi namin maintindihan. Napalingon ako sa gawi ni Harry na tinutulungan nila Earl tumayo. Nanghihina ito na ikinabahala ko.
"Magiging okay din siya." mahinang sabi ni Gerald sa tabi ko. Tinignan ko naman siya na mukhang pilit ngumiti para mapa-gaan lang ang kalooban ko.
"Ikaw? Ayos ka lang ba?" pag-aalala ko namang tanong sa kanya.
"Mabuti naman. It was like I was drained but I'll be fine." prenteng sagot nito kahit namimilipit naman sa sakit na pilit niyang itinatago.
"Weak will perish, and those who will try to defy will meet their ends." bruskong sabi nung mama sa malamig at nakakatakot na paraan.
Na-alerto naman kami at napatingin sa direksyon niya. Napapalibutan ito ng itim na usok at lumilitaw na ito. Malapad na nakakaloko na ngiti ang ginawad niyang tingin samin. Nabaliw na yata.
"Hindi ka nga namin kilala! Pinagsasabi mo?! Kanina ka pa!" iritang sigaw ni Earl habang ginagamot pa rin nila ni Akirra ang mga kasamahan namin. He's pissed, knowing him he doesn't act like this if its not bothering him. Sino bang hindi mapipikon?
Ilang iglap lang nadapa naman ulit ang mga kasamahan ko. Mas dumoble pa ang sigaw at namimilipit nila sa sakit na dulot ng pag-bind ng mamang-lalaki sa kanila. Wala akong magawa at nakatayo lang na parang tanga.
"Tama na! Bitawan mo sila!" sigaw ko sa galit.
I feel weak. Kahit lalaban ako ay wala akong binatbat sa taong may kapangyarihan. Ang alas ko lang ay hindi niya ako mahawakan pero hindi pa sapat yun.
"Die." malamig na tugon nito at iniharap niya ang palad sa gawi ko.
Palaki ng palaki ang itim na usok na parang kumikidlat sa loob nito. Nakatayo lang ako na tulala na hindi alam ang gagawin. Kung iiwas ako baka matamaan naman ang mga kasamahan ko. Ilang pulgada na lang at pabilis ng pabilis ang takbo ng usok sa gawi ko.
Napapikit na lang ako sa takot. Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala akong maramdaman na kahit na anong sakit. Idinilat ko ang mata ko at laking gulat ko na nasa harapan ko na si Midnight at Motchi na magkahawak ang kamay.
Nakabukas ang magkabilang palad nila habang nakahawak parin ang isa pa nilang kamay. Parang hinihigop nila ang kapangyarihan ng kalaban na tatama sana sa akin.
"Enough, Hellsid." ma-awtoridad at may bahid na galit na sabi ni Midnight.
Nabigla naman yung mamang-lalaki at pati rin ako na nagulat sa inaasta ngayon ni Midnight. Siguro, dahil hindi pa rin ako naka-recover nung sabihin nilang isa sila sa mga spirit guardians.
"Pinalampas na namin ng ilang beses ang kahibangan mo sa nakalipas na mga taon. Madami na ang nadadamay." seryosong sabi ni Motchi na nangangalaiti sa galit.
May naramdaman naman akong presensya na pasugod sa likuran ko. Handa na sana akong harangin yun ng may magsalita na pamilyar na boses.
"One wrong move, young man. I'll end your life here." kalmado pero ma-awtoridad na sabi ni Wilcox.
BINABASA MO ANG
Chronicles of HIRAWEI: The Owl Phases
FantasyIt started in midsummer where magic rarely appears. A struggle between humans and nature by combining man-made structures with elementals, charms, flora, and fauna, all coexisting in a forced, urban manner. The only way you'll see is the solitary tr...