Chapter 34

3 0 0
                                    

Chapter 34: The Encounter

Nagtipon-tipon na kaming lahat sa meeting room at ramdam pa rin namin ang pagbigat ng paligid.

"Sisimulan na natin ang pagpupulong." panimula ni Ken habang siya ang nag fla-flash sa projector.

Hindi lang ito isang ordinaryong projector dahil ginawa nang makabagong teknolohiya ang glass na lamesa na parang lumulutang ito sa harap namin. Nag to-touch lang rin si Ken sa hangin na naka project din ang mga imahe na gusto niyang ipakita.

Naka-ikot kami ngayon sa isang mahabang lamesa at tinitigan namin ang mga nag fla-flash na imahe nung nangyari kanina.

"Gustavo Cruz, 50 years old. Walang pamilya at ulila na. Isang normal na mortal na nabigyan ng pahintulot para mag trabaho sa ASSEA. Siya ang hardinero ng botanical garden ng ating paaralan. Bandang 8:30 ng umaga kanina ay karumal-dumal itong pinatay gamit ang isang sickle para sa damo."

Naka flash samin ang talikod na pagkahiga nito sa lupa at naliligo sa kanyang dugo. Nakatarak rin ang sickle sa likod nito. Nakita ko naman si Florence sa harap ko na pinapatahan dahil nag babadyang umiyak na naman.

"During the investigation, we found some few evidence. An Ecmascript brooch pin and black threat letter." sunod naman nag flash sa harap ang dalawang item na nasa panyo ko.

Ang Ecmascript ay nabibilang sa apat na houses ng paaralan. Pamantayan rin ang pinakamalaking merits ay mas mataas na rango ng houses na kinabibilangan.

Kada houses ay may freshmen to seniors years. Naka depende ang pag sort ng house mo sa ability o katangian na meron ka. Nangunguna ang Python, sumunod ang Java, ikatlo ang Ecmascript at pang-apat ang Laravel. Ang brooch pin ang nagsisimbolo kung aling house ka nabibilang.

Napag-alaman ko rin na ang dormitory ay naka-ayon kung aling house ka nabibilang at isa ako sa mga Python. Hindi ko alam paano nangyari at paano ang pamamalakad nila pero wala namang umangal dito.

"Hindi tayo pwede mag conclude muna na nasa Ecmascript ang salarin. Pwede din kasing maging rason na nahulog o nabitawan ng pag mamay-ari nito. Pwede din natin itong maging clue. At isa pa ang ikinababahala ko." seryosong tingin ni Ken sa amin.

"Kung para kanino ang letter. May natatandaan ba kayo o nalalaman tungkol sa simbolo na ito?" pag zoom in niya sa letter na may tatak ng skull na logo na nakaukit sa gold nitong seal.

Unang tingin ko pa lang dito ay masama na ang kotob ko. Ang ipinagtaka ko kung paano nila natuntunan ang lugar na ito?

Blanko ko lang tinignan ang simbolo na nag fla-flash sa screen. Kita ko sa peripheral view ang pagtaas ng kamay ni Harry. Wala naman kaming masyadong impormasyon tungkol sa grupong ito kundi sakit ng ulo.

"May alam kami pero hindi marami. At wala ako sa posisyon para mag paliwanag nun." sabi nito at ramdam ko naman na tumingin siya sa akin.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanila ay alam kong naghihintay sila ng sagot kaya bumuntong hininga na lang ako.

"That's the Skull Crusher logo, one of the rebels of Black Night. They're bunch of gangsters na taliwas sa rules na meron ang Black Night. Sa madaling paraan ang Black Night ay discreet na pangalan for underground society. They slaughter without mercy and wanted to rule." monotone kong sabi.

"H-How did you know about this?" pagtataka na takot na tanong ni Ken.

I just shrug my shoulder and sigh again. "Because they attempt to kill me."

Tipid kong sabi at nag dilim ang paningin ko. Naalala ko yung gabing trinaydoran ako ng kasapi ko.

"Morgana's has been receiving a lot of death threats, and one of her admirers are the Skull Crusher. Though, their name is kinda bit of cliché but they're just bunch of easy target." Harry laugh with sarcastic response.

Chronicles of HIRAWEI: The Owl PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon