Chapter 16

19 6 0
                                    

Chapter 16: Acting A Fool

A tall man with fair skin and gray eyes stood there at the podium. He didn't look old but his black hair had silver streaks. His presence seemed to command authority.

Dammit!

I screamed inside my thoughts. I feel the rage inside me that I've been trying to calm since the storm started. Sick in my stomach is a proper way to feel disgusted right now. I really don't understand everything.

Hindi ako nakikinig sa bawat detalyeng sinasabi ng mga panauhin sa gitna. Yung utak ko ay masyadong occupied na hindi ko napansin natapos na pala ang assembly at kanya-kanya na silang nag si alisan. Hindi pa sana ako tatayo kung hindi lng ako tinapik ni Florence.

Sumenyas lng ako na mauuna na muna sila. Mga ala una na ng hapon nag simula ang assembly at natapos mga bandang alas sais. May nagperform katulad sa team nila Harry na para silang nagsasayaw sa pamamagitan ng pag basketball. May iba na gumamit ng ability o mahika nila. Masaya naman, may mga kaunting paanunsyo at iba pa. Kaso, hindi nakatuon ang atensyon ko dito kanina.

Binilinan nila ako na alas syete ng gabi ang call time para sa hapunan sa cafeteria hall. Bukas naman daw ng bente quatro oras ang mga stalls and shops sa ibang bahagi ng campus. Yung parang mini community centre nila na may mga mall, cafes, market etc. exclusively for staffs and students ng institution nito. Mayaman nga talaga ang paaralan sapagkat nakagawa nila na magpatayo ng mga libangan para hindi na lumabas ang mga estudyante para sa kanilang kaligtasan.

Kaso nga lang may curfew bandang alas onse ng gabi ang dormitoryo at sa campus. No students should allowed to be seen roaming around this time or else detention. I read it in the handbook.

Napadpad ang mga paa ko sa rooftop ng cafeteria hall. Sumakay ako sa pamamagitan ng elevator at ipinasasalamat ko na wala masyadong tao. Nasa pangatlong bahagi lng ang taas ng cafeteria hall. Ma accomodate talaga ang lahat. Yung kanina sa lunch ay nasa palapag na bahagi ng building ito. Ang laki at para sa pagkainan lng talaga.

Tumunog ang elevator at lumabas na ako. Namangha ako sa ganda ng tanawin dito. Over view looking na makikita ang buong campus. Ma-aliwalas at madaming mga palamuti katulad ng mga ilaw at jazz music. Parang nasa normal na mundo lng ako at nakaka-nostalgic ang ambiance. The interior designs mixed with wood and nature.

Napansin ko walang masyadong tao at iilan lng ang nandito. Umupo ako sa dulo malapit sa grills kung saan mas tanaw ang tanawin. The seats were comfortable either parang gusto ko na lng matulog. Minutes later nilapitan ako ng waiter nila. Mamukhaan mo ito dahil sa uniporme na suot.

"Good evening ma'am, can we take your order?" he said politely.

Naiilang ako dahil hindi ako sanay. Parang kasing edad ko lng din to. Sasabihin ko na sana kung ano ang best seller nila ng muntik kong makalimutan wala pala akong pera!

"S-sir, teka lng. I forgot my wallet." taranta kong sabi at tatayo na sana nung pinigilan niya ako. Tumawa siya ng mahina na ikana-nuot ng noo ko.

"Miss, mawalang-galang pero hindi niyo na po kailangan mag bayad." sabi niya ng mahinahon. "Let me guess, are you a freshmen or transferee?"

"Transferee." sagot ko ng tipid.

Napa 'ohh' na lng siya. "I see, as you can see. Every student here earns merits. Meaning, kapag mataas ang grades mo mas madami kang ma e-earn na reward. Your merits serves as your allowance when it change to a bill. When you enrolled here in this academy kapalit ng tuition ay regalo ng mga administration ang merit system para pagbutihin ng mga estudyante ang pag aaral nila." I nod as response.

Chronicles of HIRAWEI: The Owl PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon