Chapter 36: Meeting New Memories
Nagdaan ang isang linggo at wala naman gaanong nangyari maliban sa nakapasa ako sa audition at patuloy na pag iimbestiga namin sa nangyaring krimen.
Panibagong linggo na naman at ngayon hindi ko na masyadong nakakasalamuha ang mga seniors na Knights dahil sa kaliwa't-kanan pagiging busy nila. Ang ilan din sa amin ay tutok sa kanilang mga sariling clubs at organisasyon.
Ngayon ko lang din makakasama ang buo ng lahat na nasa House of Python. May nakikita akong ilan na namukhaan na kaklase ko sa mga minor na subjects ko. Kahit napaka-busy ng marami ay patuloy pa rin ang klase.
Marami sa Nobilissimus Association members ang nabibilang sa House of Python. Isa din ako sa kabilang ng mga seniors dito pero nasa eleventh grade pa lang ako. May isang taon pa ako bago grumaduate sa paaralan na 'to. At madalas sa populasyon dito ay dito na nag aral simula nung grade school.
Nagtitipon-tipon ang lahat ng nasa House of Python sa designated classroom namin na para lang sa block namin. Isa itong napakalaking kwarto na pataas ang upuan at pinalilibutan ito paharap ng malaking white board.
Pinatawag ang lahat dahil sa magiging representative ng block namin as a senator. At kahit nasa pinakadulo ng likuran ako namalagi para hindi na sana pansinin yan ay nakatuko sa akin ang obligasyon.
Ako ang pinili bilang senator ng House of Python.
At kung bakit? ay nakakatamad daw ang trabaho na sasalihan ko. Wala naman umangal dito at mas lalong walang may gustong lumaban sa posisyon ko.
Dalawang representatives sana ang kukunin nila at basehan na lng sa pag votes ang sinong mananalo.
Pero desidido na talaga sila at nagkaisa pa ang mga hangal para ako na mismo ang maging representative dahil gusto din nila ito.
Hindi naman gaano ka busy ang trabaho ng isang representative, taga balita lng ng mga events at tungkulin na gusto ipahayag ng student council. Nakakayamot lang talaga dahil dapat kasama mo lagi ang student council at panay ang meeting, pag aasikaso, at pag brai-brainstorm para sa mga upcoming events.
Napag-alaman ko rin na kailangan pang e approve ng Student Council sa Nobilissimus Association kung magugustuhan nila ang proposal. Pero dahil leader na nga si Ken at president din siya ng student council ay nasa kanya lahat ng huling sagot. Kaya din nasali ako dahil pabor sa kanilang malapit ako kay Lolo at descendant ako ng mga ancestors ng pag mamay-ari ng school na ito ay hindi na lang din ako pumalag.
Dumating na rin ang Week of Meeting De Avance at kaliwa't-kanan rin ang pangangampanya namin. Lahat ng candidate ay nagbunotan sa pamamahala ng SBO adviser namin sa dalawang party. Nasali ako sa party nila Kuya Ken– ang SPIRIT partylist.
Running for President: Ken
Running for V-President: Aia
Running for Secretary: Shayne
Running for Biddle: Aia
Running for Treasurer: Faith
Running for Auditor: Rey Ann
Running for Sgt. & Arms: Maynard, Mark
Running for Seniors Representative: Kevin
Running for House of Python: Morgana
Running for House of Ecmascript: EJ
Running for House of Java: Julie
Running for House of Laravel: CristalynMagaling ang mga kalaban at magaganda din ang mga plataporma nila. Lahat kami ay isa-isang ipinahayag ang mga gawain namin at nag de-debate ayon sa paksa na ibinibigay ng mga panel, at sa gymnasium ginanap ito. Lahat ng estudyante na nag aaral sa ASSEA ay nakatutok, nakikinig, at humihiyaw.
Matapos ang nakakakaba na pangyayaring yun ay dumating ang biyernes para sa voting. At sa di inaasahan at patas na botohan ay lahat ng nasa partylist namin ay nanalo. Walang mintis at lahat kami nagulat. Nagpasalamat naman kami sa kabilang partido at masaya rin sila sa naging resulta.
![](https://img.wattpad.com/cover/121189626-288-k283575.jpg)
BINABASA MO ANG
Chronicles of HIRAWEI: The Owl Phases
FantasíaIt started in midsummer where magic rarely appears. A struggle between humans and nature by combining man-made structures with elementals, charms, flora, and fauna, all coexisting in a forced, urban manner. The only way you'll see is the solitary tr...