Chapter 42

4 0 0
                                    

Chapter 42: Introducing The Spirit Guardians

Matapos ang meeting ay nag desisyon ang lahat para ma rescue sila Akirra at Harry. Hindi pwedeng matatagalan sila dun dahil baka ano pa ang mangyari sa kanila. Kagabi pa sila nawawala, bigla naman kaming inatake kanina ng mga dark guilds, at bukas na bukas ay kailangan namin sumugod sa pugad nila. Kami na naman ang aatake.

Kasabay ng meeting ang pag payag ng lahat para manatili sa Hideout ang mga spirit guardians. May ginawa pa silang initiation rites para tuluyan makapasok ang mga guardians dahil hindi sila makakatawid sa loob kung hindi ka member.

Nung una nag isip pa ako kung paano kami kakasya lahat, pero nagulat na lang ako nung nasa labas muna kami ay may binanggit si Ken na mga salita at mas lalong lumaki ang Hideout. Kung dati ay dalawang palapag lang ito at malaki na talaga, ngayon ay nagmimistulang maliit na palasyo na ito at tatlong palapag na! Sabi nila, nag tra-transform daw ang Hideout tuwing kinakailangan lang. Mas madaming nadagdag na kwarto at kung hindi mo kabisado ang lugar ay tiyak na mawawala ka!

Maliban kila Wilcox, Midnight at Motchi ay tinutulungan nilang tatlo para mag pakita ang mga guardians nila Ken, Maynard, Mark, Glenn, Gerald at Gabriel. Hindi pa namin alam kung anong mga itsura nila dahil nasa underground training room sila ng Hideout para sa binding kineme.

Inaasar pa sila kanina ng mga ugok na Team MMK ba kami o Team 3G. Nagpupustahan pa ang mga loko kung sino daw mauuna makapaglabas ng kanilang guardians.

Alas-otso na ng gabi at kasalukuyan lahat ng babae ay nandito sa kusina para mag luto ng hapunan. Lima lang naman kami ang babae dito at malabong aasahan namin ang mga kumag na yun. Si Kim at Brooke ay hindi daw marunong mag luto. Si Rey Ann at Florence naman ay yung madaling lutuin lang daw, in other words prito!

Kaya nag presinta na lang ako ang mag luto at tutulungan na lang nila ako sa gawain. Pinapahiwa ko ang mga retokados kina Kim at Brooke. Si Rey Ann naman ay abala sa pagluluto ng pasta. Si Florence naman ay nag pri-prito ng fried chicken. Higit sa bente ang papakainin namin kaya parang pang fiesta ang lulutuin namin. Inaasar pa kami nila Earl na baka huling hapunan na daw namin 'to kasi lalaban na kami bukas. Dapat lang daw engrandeng pagkain ang kakainin namin. Ano pa nga bang aasahan mo sa mga utak talangka? Ginawa pa kaming maid nila.

"Ate, okay ba ang pag hiwa ko?" sabi ni Brooke habang pinapakita ang tadtad na patatas at carrots. Una ko kasing lulutuin ang chicken curry na kasalukuyang pinapakulo ko.

"Hmm, sakto lang. Deretso tiyan din naman yan." pagbibiro ko sa kanya. Nag tawanan namin kami sa kusina.

"Hayss, I'm glad that you knew how to cook, Morgana!" excited na sigaw ni Rey Ann habang hinahalo ang white sauce para sa carbonara niya. "Hindi na ako mamomroblema kung ano ang lulutuin!"

"Bakit ba kayo lagi ang tagaluto?" tanong ko ng hindi tumitingin.

"Eh kasi, Besty. Babae daw kami at dapat daw kami na lang ang nakatuka dito. Yung araw nga na pinayagan namin silang mag luto muntik ng masunog ang buong kusina!" hindi makapaniwala na sabi ni Florence.

"Wala bang marunong sa kanila? Mas madami ang mga lalaki dito kaya dehado kayo sa gawain." dagdag kong sabi.

"Meron naman bro, si Jerson at Harry nga lang yung pinakamatino sa kanilang lahat." sagot ni Kim habang naghihiwa ng sibuyas.

"Sa gawain naman ate ay hindi pinapalampas ni ate Rey Ann na ibigay sa kanila yun. Takot lang nila kung gusto pa nila mabuhay." pagtawa ni Brooke na tinawanan din namin.

"Nga pala, curious ako. Bakit puro lalaki lang ang nakakapasok sa elite class?" tanong ko.

"Depende kasi yun sa skill at ability, minsan kasi yung mga abilities ng mga babae na sumubok sa test para mapabilang sa elite class ay hindi natatanggap. Himala nga lang tayo." Rey Ann said and I just nod.

Chronicles of HIRAWEI: The Owl PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon