03 (HEIRESS)

108 16 0
                                    

Maxine Pov

Kakarating ko lamang ng bahay at saktong bumungad sa akin sila Manang Fe at Manang Gloria. Sila ang mga taong nag alaga sa akin mula bata hanggang ngayon gayung sobrang busy nila Mom and Dad sa pangangalaga ng Hacienda at maging ang mga business na meron sila.

"Magandang hapon Senorita Maxine!" Bati nila na ikinangiti ko na lamang at tsaka napailing habang kinukuha ko ang kanilang mga kamay upang magmano.

Nakaugalian ko na kasi iyun gayung namana ko din sa angkan ni Lolo gayung laking probinsya ito.

"Nako manang , hindi ko po nais na tawagin akong senorita. Saka na kapag may naipundar na hu ako sa sarili kong pagsisikap at mga kamay" tugon ko sa kanila , hanggang wala pa akong napapatunayan ay mananatiling nasa baba ang aking ulohan at wala akong dapat ipagmalaki gayung ang lahat ng natatamasa ko ay bunga lamang ng pagsisikap ng aking angkan at mga magulang.

"Siya nga pala? Nariyan na hu ba si Lolo at Lola?" Napatango naman sila bilang pagsang ayon sa akin.

"Ito nga palang mga dala ko ay pasalubong ko sainyo , mga kakanin na tiyak na magugustuhan ninyo. Ipagbahagi niyo nalang po sa ibang mga katulong rito." dagdag ko pa saka iniabot ang iilang plastic sa kanila na hawak nung mga guwardya ko.

"Maraming salamat po ma'am!" Pagpapasalamat nila na siyang tinanguan ko na lamang at tsaka nagtungo na sa loob ng mansyon.

Bawat paglakad ko ay may bumabating mga tauhan namin kung kaya'y binabati ko rin sila pabalik.

"Magandang hapon sa maganda kong apo? Saan ka galing at mukhang napakasaya mo naman ata sa iyong pinuntahan?" Bati sa akin ni Lolo na siyang ikinasaya ko nang labis kung kaya'y dumiretso ako upang bigyan siya nang mahigpit na yakap.

"Magandang hapon din po Lolo! May dala po akong kakanin para sa inyo ni Lola gayung matagal niyo na po itong nais matikman" mahabang litanya ko na ikinagulat niya.

"Napakasaya ng aking puso rito apo , maraming salamat at nag abala ka pang maghanap ng ganito. Ang huling kain ko ng kutsinta ay noong ipinanganak pa ang iyong ama" pagkukuwento niya at tsaka naupo na sa may upuan upang simulan ang pagkain nung mga kakaning dala ko.

"Basta po para sainyo Lolo! At walang anuman po" tugon ko naman sa kanya.

"Nasaan po si Lola? Mukhang hindi ko napapansin ang kanyang presensya sa mansyon. Umalis po ba siya ulit Lolo?" Tanong ko rito kasi pansin ko na wala siya ngayon sa mansyon.

"Nagtungo ang iyong Lola kila Tito Danerie mo upang dalawin ang iyong pinsan na sila Duke at Frances. Sasama sana ako ngunit naalala ko na wala kang kasama sa hapag mamaya kung sakaling hindi uuwi ang iyong Ama at Ina galing trabaho" mahabang saad nito sa akin , well sanay naman na ako ngunit ako ay natutuwa gayung hindi ako hinahayaan ni Lolo na mag isang kumain sa hapagkainan.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon