45 ( ATTACKED )

86 10 0
                                    

Amanda's Pov

Ilang oras na ang lumipas at nakaka tatlo pa lang kami na puzzle na nahanap habang sila Maxine ay mukhang malapit nang matapos sa Golden Task gayung napakadami na niyang hawak ngayon na puzzle. Napapabuntong hininga na lamang ako na napatingin sa paligid ko , wala pa din akong updates sa iba na may nahanap silang ibang parte ng mga missing puzzles.

Kaninang 7 pa kami nagsimula sa paghahanap at magsasaktong alas dose na at hirap na hirap pa din kami na hanapin ang mga yun. Sa laki ba naman ng Building na ito ay talagang mapapalaban kami sa pagtatyaga at paghahanap.

Maya maya habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Sela kasama si Angela , napailing na lamang sila bilang senyales na wala pa silang nakikitang bagong puzzles. Napatango na lamang ako saka nag ibang landas na , magbabakasali na lamang ako na baka may makita pa akong mga hidden puzzles habang naglalakad dito sa hallway.

Habang nagmumuni muni ulit ay nakita ko naman si Xinn na kumakain pa ng ice cream sa ngayon , mukhang wala talaga siyang ginagawa para makatulong sa Golden Task namin.

"Ano Xinn magpapakasarap ka nalang ba habang kaming ka grupo mo ay nahihirapan sa paghahanap para sa Golden Task?" Bungad na turan ko sa kanya gayung naiinis ako kung paano siya umakto sa ngayon.

He is one of the Golden Students for a reason pero sa galaw niya? I don't think he deserves to be one of us.

"I'm busy Amanda , Eating this."  wika niya saka itinaas pa talaga ng walang hiya ang icecream na malapit nang tumulo sa may sahig saka dinilapan pa talaga sa harapan ko.

"Alam mo? Wala ka na ngang pakinabang sa grupo nagawa mo pang mang inis. Would you please grow up?"  Inis na sigaw ko sa kanya , tumawa naman ito na para bang nawawala na sa katinuan saka pinunasan ang kanyang bibigan.

"Chill Amanda! Masyado kayong seryoso sa paggawa ng Task na yan. I have a better way para manalo tayo , you should wait for it!"  Confident niyang saad sa akin saka nagpagpag pa at kinuha ang kanyang cellphone at may tinignan saglit.

"Stop being this childish Xinn , College kana kaya hindi na uubra ang ganyang mindset sa mga ipinagagawa sa atin"  napipikong tugon ko sa kanya , napa smirk naman siya sa akin saka tumalikod na lamang bigla , napakabastos talaga ng lalaking ito.

Buti na lamang at nagpipigil pa ako kahit papaano gayung kung hindi ay baka napaaway na talaga ako sa kanya. Talagang nakakaubos talaga siya ng pasensya.

"It's Time! Don't worry in half of an hour , you'll see what you wanted Amanda!" Paninigurado niya pa sa sakin saka inilagay ang kanyang dalawang kamay sa bulsa at tsaka naglakad na palayo sa akin habang sumisipol sipol na parang tanga.

Nako siguraduhin mo lang Xinn gayung tsitsinelasin talaga kita mamaya kapag wala kang dala na kahit isang Puzzles. Napapikit ako saglit saka naramdaman ko naman ang vibration sa may bulsahna ko , kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong may message sa akin si Coco na dahilan upang mawala ang inis ko at napalitan ng saya.

'Lovey! nandito lang ako sa may paborito nating Coffee Shop, I'll wait for you hanggang matapos niyo yung Task niyo. I love you and Goodluck lovey!' message niya sa akin at napapangiti na lamang ako habang binabasa ang mga iyun. Hindi na ako nakapagreply sa kanya gayung magkikita naman kami mamaya at alam kong maiintindihan niya naman gayung magpopokus na ako sa task namin.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon