63 ( TRUE IDENTITY? )

30 8 0
                                    

Jaydee's Pov

Kasalukuyang nasa loob kami ng classroom at inaabangan ang pagdating ni Master V. Hindi naman na ako nagtaka pa gayung anim lang kaming narito.

Wala sila Chino , Justin , Sela , Xinn at maging sina Wayne at Chiquita.

Wala pa nga din akong balita sa kalagayan ni Justin , sana lang ay okay na ang lagay niya.

"Sorry I'm late" paunang wika ni Master V sa amin saka inilapag ang dala dala niyang laptop.

Pagkatapos nun ay napabuntong hininga siyang tumingin sa aming lahat.

"Ikinalulugod kong sabihin sa inyo na isang myembro ng Golden Students ang namayapa na. Hindi man ito ang nais nating kahinatnan gayung magsisimula na ang pagsusulit ng midterm ngunit kailangan nating tapusin ang nararapat na pagsusulit na  gaganapin sa lunes" nanlaki naman ang aking mga mata nang sabihin iyun ni Master V.

"Huwag niyong sabihin na si J-justin ang iyong tinutukoy?" Nauutal na tanong ko rito habang patuloy sa pagnginig ang aking mga kamay maging ang aking binti.

"Ganun na nga Garcia" dagdag niya pa.

Mabilis namang nangilid ang luha sa aking mata nang malaman iyun. Nanghihinang napaupo ako at hindi pa din makapaniwala sa aking nalaman.

Kasalanan ko ito.

"Ang iskedyul niyo ay mariing tignan niyo na lamang sa class portal. Ayun lamang at maaari na kayong umalis" Pag iiba niya pa ng usapan at napahinto naman siya saglit nang magbukas ang pintuan.

Iniluwa nito si Xinn na may cast sa kanyang kanang kamay at halos mapuno ng puting bandages ang kanyang mukha maging ibang parte ng kanyang katawan.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito? Hindi bat dapat nasa kulungan kang hayop ka?" Bungad naman ni Amanda sa kanya na dahilan upang mapangisi na lamang ang binata.

Napakuyom naman ang aking kamao dahil sa inaakto nito.

"Did I do something wrong that makes you mad? As far as I know.." natigilan naman siya nang mapatayo si Maxine at mabilis na dumapo ang palad nito sa mukha ni Xinn na dahilan upang mamula iyun.

"Hindi mo pa din ba alam ang ginawa mo? Justin died because of you and yet you still calm and act like nothing is wrong? What an asshole! You're so supposed to be dead not him" naiiyak na pagduro ni Maxine rito , natahimik naman si Xinn dahil sa sinabi nito.

"Max I didn't know it would come.." isang sampal muli ang nakuha nito sa dalaga na pinipigilan na lamang ng kanyang pinsang si frances.

"You didn't know? Alam mo? You should go to jail nang mapagbayaran mo ang kasalanan mo. Don't act like you're not responsible for justin's death" sigaw pa nitong muli.

"No one is going to jail Ms. Pinlac" singit naman sa usapan ni Master V na dahilan upang mabaling ang atensyon namin sa kanya.

"What do you mean by that Master V? Someone died , he should be accountable for that" Naluluhang tanong ni maxine habang pinupunasan ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.

"According to the students manual and agreement. No Golden Students should be accountable for another Golden Students death as long as it is beneath of the Golden Task" mahinahong katwiran nito na ikinaalamarma naming lahat gayung napatayo kami.

"It is also signed by your parents or guardians that's why you shouldn't treat Xinn as murderer. It is part of your task" Dagdag niya pa na ikinanlaki ng aking mata gayung hindi ako makapaniwala.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon