28 ( PHYSICAL TASK )

75 15 2
                                    

Maxine's Pov

Nagkatipon tipon na kami sa gym gayung dito daw gaganapin ang aming aktibidadis ngayong araw at binigyan din kami ng kulay black at gold na damit. Anim sa amin ang nakasuot ng gold at kabilang doon sila Xinn , Ako , Sela , Chiquita , Wayne at tsaka Angela. Ang mga nakasuot naman ng kulay black ay sina Francese , Amanda , Jaydee , Chino , Justin at Gabrielle.

"Good Morning Each and Everyone! I have here a jar which is consist of numbers. So all of the students who has a color gold shirt will first get a number in the jar and after that the black shirt will also get a number. So if the gold and black shirt students get the same number then they will be their opponent for todays activities. Did you get the instructions well?"  Malakas na pagpapaliwanag niya sa aming lahat , tumango na lamang ako at sumenyas na siya sa amin na lumapit na kami sa kanya para bumunot ng number.

Pagkatapos namin ay sumunod na sila sa pagkuha ng number sa kabilang jar na hawak ni Master V.

"Okay gayung tapos na kayong bumunot , lumapit sa ngayon ang nakakuha ng number 1" turan nito at tsaka lumapit naman si Xinn at si Chino sa group ng black.

"Come to the PD area Xinn at Chino. We'll be there after you both change your clothes. Okay come here in front number 2 at sa side ko yung dalawang number 3 and so on."  Pagpapaliwanag niya pang muli at umalis naman yung dalawa , nagkatapat tapat na yung magkakalaban at nasaktuhan pang si Amanda ang naging katapat ko. Si Sela naman ay natapat kay Jaydee , Si Justin ay natapat kay Wayne at si Francese ay natapat kay Chiquita , Si Angela naman ay natapat kay Gabrielle.

"So let's watch the first match , follow me right now!" Dagdag pa ni Master V at sumunod naman kami sa nais niya.

Nang makarating kami ay nakita naming nagkakagulo na sa loob ng isang oras , ang unang task pala na napunta sa kanila Xinn at Chino ay PD. Which means Physical Defense. Hindi ko pa alam ang rules na ibibigay ngunit mukhang alam ko na bugbugan ang magaganap sa laban na ito.

"What are you insane? What kind of activities it is? We will hurt each other for the sake of Golden Task? No freakin way! It is against the rules that's been ruled out a few days ago!" Reklamo ni Chino at sang ayon naman ako sa sinasabi niya since si Master V na mismo ang nagsabi na hindi pwedeng saktan ng kapwa Golden Section ang kaklase niya.

"Yeah you are right Mr. Fuguwara but you must know that there is an exception for every rules and we have a Golden Rule in the Golden Section and that is to obey your Professors" Tugon naman ng kakapasok lamang na lalaki.  He is way more taller than my classmates at masasabi kong nasa 6'10ft na ata ang kanyang height.

Nagulat naman ako nang mapayuko ang mga ibang professor namin na narito noong dumating ito which means na mataas ang kinatatayuan niya sa Golden Infinix. 

"Good Morning Headmaster G! Golden Students , Greet him now!" Pagmando sa amin na kaagad naman naming sinunod , so siya pala yung nagmamay ari ng paaralan na ito at ang head ng pinaka head at ang utak ng ganitong klaseng sistema na meron ang Section na to.

"Good Morning Headmaster!" Sabay sabay naming wika dito , napadako naman ang tingin nito kay Jaydee na mas lalo kong ipinagtaka.

"Our goal in every golden task is to maximize and enhance your physical bodies and train your mind! We are not torturing you but we help you to find out your hidden capabilities! So if you don't obey the given task , then this is your last day to leave this organization" bawat binibitawan niyang salita ay tumatatak sa aking isipan , mukhang nananakot siya sa tono ng kanyang pananalita ngunit alam kong dinidisiplina niya lamang kami.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon