25 ( JEALOUSY )

70 15 0
                                    

Francese Pov

Tapos na kaming kumain at nabalitaan ko nga na mamayang 10:30 pa daw ang balik namin kung kaya'y humiwalay na muna ako nang makapag isip isip ng mga bagay bagay. Lalo na at medyo komplikado din ang nagiging ganap sa Golden Section at maging yung mga schedule namin , habang naglalakad palabas ay hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa mga nagsisiyabungan na mga bulaklak sa hardin.

Kaaya ayang paaralan ngunit may hindi talaga tama sa pamamalakad dito at ngayong nasa Golden Section ako , mukhang mas domoble ang kutob ko na meron talagang something sa school na ito.

Nakalabas na ako sa paaralan at sa hindi sinasadyang pangyayari ay nakita ko naman si Maxine na kasama si Jaydee,  nasa isang stall sila which is ang mga paninda ay mga kwek kwek , kikiam , tempura , fishball at iba pa.

Nakakapagtaka lang lalo gayung hindi kumakain si Maxine ng ganyang mga pagkain , sensitibo kasi ang sikmura niya kung kaya'y pinagbabawalan siya ng mga pagkain na itinitinda sa kalye.

"Nagtataka ka din ba? Kasi ako nagtatataka na sa ikinikilos ni Maxine" bulong naman sa akin nang kung sino kung kaya'y mabilis akong napatingin at nakita ko si Amanda na seryosong seryoso ang mukha sa ngayon.

"Oum kanina ka pa dyan? Anong ginagawa mo dito ah? Diba kasama mo sila Coco at Ella?" Pag iiba ko nang usapan , ayokong isipin na may namamagitan sa kanila gayung alam ko na si Maxine mismo ang nakakaalam na hindi siya pwedeng mahulog sa katulad ni Jaydee.

Pero sa mga ikinikilos niya ay hindi ko na din malaman kung ano ba ang tunay na nararamdaman niya. Kung sakaling tama ang kutob ko sa bagay na ito ay tiyak na ito ang ikakasira ni Maxine sa pamilya namin lalo na kay Grand Dad.

Siya na ang nakatakda na tagapagmana ng mga ari arian nila Lolo at Lola gayung responsable siyang tao at aminado naman ako roon , ang bahagyang kalahati naman ay mapupunta sa akin at hindi ko pa alam ang bahagi ni Duke gayung sa sunod sunod na mga pinanggagawa niya ay baka hindi na siya pagkatiwalaan ni Grand Dad.

"May gagawin din silang group work kung kaya'y minabuti ko nalang na sundan ka" saad niya naman sa akin kung kaya'y napatango na lang ako saka naglakad na ngunit sa kabilang daanan kung saan palayo sa kinaroroonan nila Maxine.

"May pagkakataon kaya na magkagusto si Maxine kay Jaydee? Sa tingin mo Queen , papatol kaya siya sa libel ni Jaydee?" Pagbabalik niya nang usapan at napakibit balikat na lamang ako bilang sagot sa kanya.

As much as gusto kong mas umangat sa kanya at masira siya kila Grand Dad ay hindi ko pala kayang gawin yun , hindi ko alam kung ano ang pakulo na meron siya at kung totoo man ang nararamdaman niya sa taong yun , tiyak na ikakapahamak ni Jaydee iyun.

"Ayoko na silang pag usapan Amanda , I'll just mind my own business" wika ko rito saka pumasok na sa isang coffee shop upang bumili ng maiinom namin , napataas naman kaunti ang kilay ko nang makita si Sela kasama yung Bf niyang si Kuya Albie.

"Oh nandito din pala kayo? Sabay na kayo dito sa mesa namin Francese" bati ni kuya albie sa akin , Second year na siya ngayon at medyo close nga kami gayung investor nila Dad ang pamilya nila.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon