Jaydee's Pov
Kakababa ko lamang ng tricycle at namangha na ako kaagad sa bungad ng Unibersidad na ito , tila bay masasabi kong nananaginip lamang ako gayung parang nasa ibang bansa ako. Bungad pa lamang ng paaralan ay makikita na kaagad ang nagsisiyabungan na mga bulaklak sa hardin , maging ang gate ay awtomatikong nagbubukas kapag may pumapasok at nagsasara kapag wala namang tao.
Tila bay parang may sarili na itong pag iisip o kung tawaging sensor. Hindi ako pamilyar masyado sa tawag na iyun ngunit nasisilayan ko ang mga ganuong video sa cellphone ni Karylle kapag ginagamit niya iyun.
Nabigyan naman ako ng cellphone ni tito ngunit inilagay ko lamang iyun sa drawer ko gayung hindi ko naman ito masyadong nagagamit at hindi ko talaga nais gamitin ng matagal gayung baka lumabo ang aking mga mata.
Kasama ko sa ngayon ang aking matalik na kaibigan na si Jamie at nagbabakasakali kami na baka mabago ng paaralan na ito ang kapalaran namin. Maraming opportunidad ang nakaabang sa amin kapag natanggap kami dito.
Ang tanging nasa isip ko lamang sa ngayon ay sana.. Sana mabigyan kami ng pagkakataon na makapag aral dito , kahit hindi na kami makabilang sa Golden Section ay okay na. Ayun lamang ang tanging hiling ko.
"Jaydee? Natulala ka na naman dyan. Tara na sa loob gayung kukuha pa tayo ng numero para sa room assignment." pagtapik sa sa akin ni jamie , emosyonal naman ako sa ngayon gayung naiisip ko na naman ang aking mga magulang.
Nasaan kaya sila ngayon? sila ang nais kong magbuo sa confidence na meron ako para sa pagsusulit na ito. Napahinto lamang ako sa pag iisip nang may sunod sunod na sasakyan ang dumating at napakaganda nila.
Maswerte sila gayung masagana ang kanilang buhay bulong ko sa aking sarili.
"Mabuti pa nga jamie , tara na." aya ko kay jamie at tsaka naglakad na kami paloob. Simple lang ang mga suot namin gayung hindi naman kami kagaya nung iba na masagana ang buhay.
Nang makapasok na kami sa loob ay pumila na kami , mahaba ang pila ngunit mabilis ang transakyon nila sa pag check nung mga requirements na dala ng bawat estudyante.
Fast forward...
Papunta na kami sa room na aming pagkukuhanan ng pagsusulit. Sa room 08 ang naibigay sa amin na number kung kaya'y kasalukuyang hinahanap na namin ito. Napatingin naman ako sa aking relo at 30 minutes na lamang ang natitira para magsimula ang pagsusulit kung kaya'y binilisan na namin ang paghahanap.
Nang mahanap na namin ito ay kaagad na kaming pumasok roon , iilang mga mata naman ang napunta sa amin nang pumasok kami sa silid. Mga mapangutyang mga mata gayung tinatawanan nila kami at nagbubulong bulungan pa.
"Lakasan mo ang loob mo gayung hindi sila ang ipinunta natin dito. Nandito tayo para sa pangarap natin Jaydee." aniya niya pa saka hinila na ako upang maupo na kami sa pinakaunahang silya gayung ayun na lamang ang natitira.
Tama si jamie hindi talaga kami makakaligtas sa mga tao ngunit dapat mas malakas ang loob namin kesa sa hamon ng buhay. Lalo na at halos ng naparito sa Unibersidad na ito ay galing sa mayayamang pamilya.
"Good Morning dear students! The entrance exam will start for exactly 7:30 Am. The papers will be distributed by the assigned professors. Kindly take the exam with full honesty and loyalty. Goodluck to all future Phoenix!" wika naman ng lalaki sa speaker na siyang dahilan upang makuha nito ang atensyon namin.
Pagkatapos nitong magsalita ay pumasok ang misteryosong lalaki sa loob ng silid. Nakasuot ito ng White coat at sa pormahan niya ay masasabi kong doctor ito. Maputi at may katangkaran ito , maamo ang kanyang mukha at may kapogian. May dimples at makinis ang kanyang mukha.
"Good Morning students! I'm Professor Brix Jackson Pinlac and I will be your proctor for todays entrance examination. So alam niyo naman na hindi lang basta bastang entrance examination ito gayung ito din ang magdidecide kung saang section kayo mapupunta kung sakaling makapasa." paunang sambit niya saka inilapag ang mga test questionaires sa may desk niya.
Hindi gaanong kalalim ang kanyang boses kung kaya'y hindi nakakadagdag ng tensyon ang mga sinasabi niya sa harap sa kabang nararamdaman ko sa ngayon.
"So I wanted to orient all of you bago pa tayo magsimula ng pagsusulit. The Golden Infinix University ay binubuo ng apat na seksyon kung saan ang pinakamataas ay ang nasa Golden Section. Ang marka na dapat mong abutin sa pagsusulit na ito para makapasok roon ay nasa 95-100 percentage sa exam na out of 100. Ang golden section ay makakakuha lahat ng access sa school at may free air conditioner dormitory na matatagpuan sa bagong building. May allowance na 10k per week at 10k din para sa food allowance sa mga nag apply ng scholar" mahabang pagpapaliwanag niya na ikinahanga ng lahat gayung napakaraming nagbubulong bulongan sa ngayon.
"Ang kasunod naman ay ang Silver Section , ang markang kakailanganin doon ay 90-94 percentage sa exam. Limitado lang ang access nila sa school ngunit may dormitory din sila na air conditioner ngunit sa lumang building. Ang kasunod naman ay ang Bronze Section , ang markang kakailanganin roon ay 85-89 percent sa exam. At kung saan mas limitado ang access nila sa school properties. Walang sariling dormitory ngunit ang kagandahan ay air conditioner pa din ang classroom" dagdag niya pa sa nauna niyang sinabi , marami namang nangamba dahil roon , para sa akin parang ang unfair ng policy ng school na ito.
"At ang panghuli ay ang Elite Section o mas kilala sa tawag na "Normies" o hell section. Ang marka na nakuha mo rito sa pagsusulit ay 80-84 percent. Walang access sa school properties like gym , pool , library , air conditioner room , computer room , air conditioner canteen at iba pa. So ngayong alam niyo na , dapat alam niyo na din ang magiging kahihinatnan ng resulta sa inyong pagsusulit." sambit nito saka binuksan ang malaking TV na flat screen na nas may harapan.
"There is no room for dumb people in this University , You'll give and get what you deserved. Getting higher grades will make you powerful and getting lower grades will make you powerless. That is our motto in GIU" huling wika niya saka kinuha ang mga test papers sa may lamesa niya.
"Strictly no cheating at dapat matapos niyo yan at exactly 9:00 am. The results for the examination and section will be out at 9:15 am at the hallway. So goodluck and give all your best!" wika niya saka ibinigay na sa amin isa isa ang test papers , nang makuha na namin lahat ay naghudyat na siya na magsimula na kamingmagsagot.
Unang tanong pa lang ay halos mapakamot na ako sa aking uluhan gayung hindi ito ang inexpect ko na mga lalabas. Ito ay tungkol sa personal values and development. Tinignan ko naman yung ibang mga tanong at most common na questions dito ay tungkol sa sarili.
Nag aalangan ako gayung paano ko nga ba ito sasagutan kung mismong pagkatao ko ay hindi ko kilala at maintindihan? Paano kung ang kasagutan sa mga katanungan na ito ay ang matagal ko na ding hinahanap at nais mapakinggan sa aking mga magulang.
Napayuko na lamang ako at tsaka pinigilan ang pagpatak ng aking luha. Ang hirap niyang sagutan , mukhang kailangan kong tanggapin ang aking kapalaran na hindi ako papasa sa pagsusulit na ito.
A|N : Next UD kapag umabot ng 15 votes.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee