47 ( SUSPICIOUS )

86 13 0
                                    

Jaydee's Pov

Inihatid lamang ako ni Maxine sa may comfort room at nagpaalam na siya sa akin na magtutungo na sa meeting area nila gayung kompleto na daw yung puzzle cards nila na ituturn over na sa office. At masayang masaya naman ako para sa grupo nila gayung pinaghirapan nila iyun , sayang lang at dahil sa akin ay medyo nadelay yung sa amin at nakulangan sila Francese sa tao para makapaghanap pa.

Ngayon ko din narirealized paunti unti na I don't deserve this spot na meron ako kung lalampa lampa ako. Isa pa hindi naman ako ganun ka competitive talaga kagaya ng iba , ang gusto ko lang naman talaga ay makapag aral at makapagtapos ng kolehiyo.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nilalabhan itong damit ko , kay hirap na palang kunin ng dugo na nanuyot na dito. Mukhang kakailanganin ko na talaga ng sabon para dito ngunit wala naman akong makita rito.

Kung kaya'y tinatyaga ko na lamang na kuskusin pa din ang damit na ito , napatigil naman ako nang bahagya nang may marinig akong tunog na nanggagaling sa banyo. At nakita ko doon si Gabrielle na pinagmamasdan ako pagkatapos ay lumabas na din siya sa cr na ito na aking ikinapagtaka.

A few minutes later ay natapos na din ako saka lumabas na dito at nagtungo sa kinaroroonan nila Francese gayung sa 4th floor kami magkakatagpo lahat. Nang makarating na ako sa may 4th floor ay bumungad kaagad sa akin sila Justin at Xinn na nasa may sahig , umaamba na ng suntok si Justin ngayon na ikinapangamba ng lahat.

Nakangiti at tila bay inaasar pa ni Xinn si Justin ngunit napaayos naman siya nang akto niya nung may sinabi na yung iba naming kaklase. Akmang tatayo na din siya nang biglang humirit pa si Xinn na mas naging dahilan upang muling mapikon si Justin. Muli siyang pumatong sa may bandang paanan ni Xinn saka biglang sumuntok na ikinagulat naming lahat.

"Oh my goodness Justin!" Nag aalalang sigaw ni Sela nang suntukin ni Justin yung sahig na ikinatawa na lamang ni Xinn.

"Hindi mo magawa no! Kasi tama ako Justin , na mahina ka lang." Pang iinsulto pa ni Xinn saka biglaang itinulak si Justin na dahilan upang matumba ito sa may sahig.

"Alam mo Xinn! Wala ka nang nagawang tama ano!" Rebat naman ni Sela saka binigyan nang malakas na sampal si Xinn sa mukha na ikinagulat nito.

"Sela? Bakit mo ginawa yun!" Saad naman ni Maxine saka dali daling nilapitan si Sela gayung naiinis na gustong patulan ni Xinn si Sela dahil sa ginawa nito.

"Please stop." Pagharang ni Maxine kay Xinn na matindi na ang galit na nakatingin pa din kay Sela.

"What a great scenery! Hindi na ako magtataka pa kung babalik ka din sa talunan na ito Sela. Kasi pareho kayong basura" dagdag pa ni Xinn na ikinaalarma ni Sela gayung siya naman ang lumalapit sa kinaroroonan ni Xinn.

"Ah talaga ba! Eh gago ka pala eh!" Nanggagalaiti na sigaw ni Sela pabalik rito.

"Would you all please stop!" Turan naman nang kakarating lamang na si Gabrielle na ikinatigil nang lahat.

"Wow nakikisali ang introvert!" Sabat ni Xinn na dahilan upang mapataas ang dalawang kilay ni Gabrielle.

"Mama mo introvert!" Pagbalik naman ni Gabb na ikinatawa na lamang ni Xinn.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon