Maxine's Pov
Gabi na nang makarating kami sa mansion at kaagad ko namang nilapitan ang guard na kasama ko papasok roon.
"Walang dapat makaalam ng mga pinuntahan ko at maging ang ginawa ko manong. Nagkakaintindihan hu ba tayo? Maging si Lolo at sila dad" turan ko sa kanya saka tinitignan kung may tao ba sa paligid ko na nakikinig.
"You got my back right? Maaasahan naman siguro kita kagaya ng pagtitiwala ko sayo" mahinang bulong ko ulit at napatango naman siya sa akin na siyang nagpapanatag ng loob ko.
"Makakaasa po kayo sa akin ma'am maxine!" Confident niyang tugon sa akin kung kaya'y naglakad na ako papasok ng mansion at bumungad naman roon si Lolo.
"Oh ginabi kana apo? Saan kaba nagsisisuot nitong mga nakalipas na araw ah?" Bungad sa akin ni Lolo at kaagad naman akong nagmano sa kanya.
"May pinagmamasidan lang ako Lolo gayung hindi naman masaya na mag aral na lamang araw araw. Hindi na din ako makakagala kapag nagpasukan na kaya nilulubos lubos ko na" pagpapaliwanag ko sa kanya saka hinanap ng mata ko sila Mom and Dad na mukhang wala pa din sa bahay.
"Hindi pa sila dumarating apo ngunit sinabi sa akin ng Dad mo na sabay sabay daw tayong kakain" wika naman ni Lolo na siyang nagpalihis ng aking atensyon at tsaka napatango na lang.
"Mukhang maganda ang tanawin na pinuntahan mo ah? Mukhang masayang masaya ka apo" bati naman sa akin ni Lolo kung kaya'y napangiti na lamang ako.
"Oum ganun na nga po Lolo." Saad ko saka hinawakan niya naman ang bandang uluhan ko.
"May napupusuan kana ba? Kung kaya'y ganyan na lamang ka kasaya ngayon?" Dugtong niya pa na ikinagulat ko gayung hindi ko naman inaasahan na itatanong niya ang bagay na iyun.
Bahagyang napatahimik ako dahil sa kanyang katanungan gayung hindi ko naman alam kung paano ko ito sasagutin.
"I'm kidding apo. Mukhang masyado mong sineryoso ang katanungan ko. Loving someone is okay and free so you don't need to feel any pressure. You can tell me if may nagpapatibok na niyang puso mo gayung lagi lang ako nandito para sayo" mahabang pangangaral sa akin ni Lolo na siyang ikinangiti ko na lamang.
"Who's inlove?" Singit naman sa usapan ng kung sino at napangiti na lamang ako nang makita si Dad kasama si Mom.
"Good evening mom and dad!" Bati ko sa kanila saka binigyan sila ng yakap at halik sa pisnge.
"Oh is my baby inlove?" Dugtong muli ni daddy sa akin at mabilis naman akong napailing rito.
"Who's that lucky man?! Nais ko siyang makilala at kung paano niya nakuha yung puso ng anak ko" aniya naman ni Mom habang tinitignan ako nang mapang asar.
"Mom there's not. I'm focusing on my studies right now" wika ko naman dito nang sa ganun ay matapos na ang usapan.
"There's nothing wrong with that anak. If you love someone then go for it! Hindi ka namin pipigilan gayung nagagawa mo naman ang responsibility mo sa school" mahinhin na saad muli ni Mom at tsaka hinawakan ang bandang balikat ko , namula naman ako sa hiya gayung ako ang bukambibig nila.
"I know you can multitask maxine" sabay wink na sambit ni Dad na siyang ikinatawa ko na lamang.
"O siya let's not talk about it and focus sa dinner natin. Yaya? Can you please call your madam upstairs? Tell her na nandito na si Brix and his wife." Utos naman ni Lolo sa kasambahay namin , naupo na kami kasi ayun ang nais ni Lolo at hinintay na lamang ang pagbaba ni Lola nang sa ganun ay makakain na kami ng dinner.
++++
Francese Pov
It's been a day at wala pa din talaga akong mahagilap na tao o personalidad sa anumang social media accounts nung nangunguna sa examination noong nakaraang araw.
Is he or she an alien? Bakit wala siya sa kahit anong platform , I also checked every top university but nabigo akong mahanap ang pangalan nito or maging ang record.
"Francese? Francese?" Tawag sa labas na nakakuha ng aking atensyon at bahagyang napatayo na lamang ako.
"Are you studying right now?" Bungad na tanong sa akin ni Mom.
"Oum I just read some fiction books Mom? Why? Do you need something?" Tanong ko sa kanya pabalik , makikita ko na bihis na bihis ito ngunit hindi ko alam kung saan siya magtutungo.
"Hmm me as well as your dad will go to a racing competition. So If you want you can go with us , there's a lot of new cars din na ibibid mamaya" saad nito na nagpalawak ng mga ngiti ko gayung hindi ko inakalang may laban pala ngayon.
"Is it the same address? I'll go later Mom. I just need to fix something lang with my computer" wika ko na ikinatango niya na lamang.
"Okay then I'll see you later. Just be careful on driving okay?" Pagpapaalala niya sa akin na ikinangiti ko na lamang , makikita ko din sa mga mata niya ang kalungkutan since every alis namin ay laging kasama si Duke.
"Noted Mom! Take care also!" Huling sambit ko at umalis na siya gayung mukhang naghihintay na sa baba si Dad.
Napabuntong hininga na lamang ako saka bumalik sa pagkakaupo ko sa may upuan at tsaka tinignan ang nasa tab ko. Damn it! Mukhang sa pasukan ko na makikita ang asungot na yun. But I'll just enjoy my free time for a while without minding this unknown personality. Kinuha ko na yung tuwalya ko at kaagad na pumasok sa Cr upang maligo na.
Fast forward....
Nang matapos na ako sa pag aayos ay lumabas na din ako , napadaan ako0000 sa kwarto ni Duke at sinilayan ko muna siya saglit bago ako tuluyang umalis. Nakita ko naman na nakahiga lang siya at sobrang magang maga pa din ang kanyang binti dahil sa ginawa ni Dad noong isang araw.
Nakakaawa siya kung tutuusin ngunit hindi ko naman pwedeng pigilan ang pagdidisiplina sa kanya ni Dad gayung matigas naman talaga ang ulo ng kapatid kong ito.
Kung gaano ko iniingat ingatan ang pangalan ko ay siya namang kabaliktaran nung ginagawa niya , lagi kasi siyang gumagawa ng mga bagay na ikakapahamak niya o ikakasira ng mismong pangalan niya at dawit palagi ang kanyang angkan.
"Just go francese and don't mind me! Get the hell out of here!" Supladong pagtataboy niya sa akin nung mapamulat ang kanyang mga mata at biglaang napaiwas sa akin.
"No need to pity me. I'm strong and independent handsome man!" Napatawa naman ako nang sabihin niya iyun.
"Wow lakas talaga ng sapak mo sa utak duke! Anyways I'll go na , just eat your food so that it will help to heal your wounds faster" pagpapaalala ko sa kanya at hindi ko na hinintay ang kanyang response kasi mabilis ko nang sinirado ang pintuan at tsaka naglakad na pababa ng hagdan.
"I'll just hope na magtino na siya this upcoming class gayung mas matindi pa ang makukuha niya kapag patuloy siya sa pagiging pasaway" mahinang bulong ko saka nagtungo na sa aking sasakyan upang magtungo na sa venue noong racing car competition na gaganapin sa Makati.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee