16 ( OLD FRIEND )

79 15 2
                                    

Maxine's Pov

Malapit na ako sa Golden Infinix University at kasalukuyang nakatanaw lang ako sa may labas ng kotseng sinasakyan ko. Ipinahatid ako ni Lolo gamit ang kanyang limousine bilang pagbibigay ng basbas daw sa akin upang swertihin ako ngayong taon.

As always , may mga paniniwala ang mga matatanda na kahit mismo tayong mga kabataan ay hindi maintindihan iyun , sadyang sumusunod nalang tayo sa kagustuhan nila at irespeto ang mga iyun.

Saktong paghinto ng sasakyan ay nakita ko ang kotse ni Francese , nauna itong pumasok kung kaya'y mukhang hindi niya napansin na kasunod na ako nito. Paboritong paborito niya talaga ang mga sasakyang open , mahilig kasi siyang amuyin ang mabangong simoy ng hangin.

Yung tipong kahit nasa syudad ay hindi mo masyadong makikita ang usok sa lugar na kinabibilangan namin.

"Madam Maxine , narito na po tayo" wika ng personal driver ko na nakaabang na sa labas upang pagbuksan ako.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at tsaka bumaba na ng kotse , napatango na lamang ako sa kanya habang pinagmamasdan ang pagyuko niya sa akin bilang pag galang.

"Tawagan o i message niyo nalang po ako madam kung nais niyo na pong magpasundo mamayang uwian" magalang na turan niya habang nakayuko pa din.

"Okay , mag iingat po kayo sa daan" tugon ko sa kanya saka naglakad na papuntang looban.

Nang makarating sa mismong harap ng University ay chineck na ng guard yung gamit ko as well as yung Id pati yung qualification pass na nagsasabing pasado at pwede akong mag aral sa GIU.

Nag vow naman ito pagkatapos saka itinuro sa akin ang building na siyang pupuntahan ko pero bago yun ay napamasid muna ako sa kabilang building which is yung building na pinagkuhanan namin ng test. Maganda roon ngunit mas natutunugan ko na ibang iba ang building ng mga mag aaral sa Golden Section kesa sa kanila.

Napabuntong hininga na lamang ako saka naglakad na papasok ng bagong building at hindi nga ako nagkamali gayung bumungad kaagad sa akin ang nagsisigandahang paintings na nakapaskil sa mga dingding.

Maging ang mga sofa dito sa resting area ay high class at made of glass ang mga lamesa na may parang marmol ng ginto sa gitna.

"Good Morning Ma'am! Welcome to the Golden Students Building! Enjoy the facilities!" Magalang na turan ng babaeng staff dito , napangiti na lamang ako saka nagtungo na sa escalator.

May elevator naman dito kaso nga lang nais kong libutin muna ang school facilities gayung madami dami pa ang oras ko para maglibot6:30 am palang at mayroon pa akong 45 minutos para maglibot at gamayin ang napakagandang facilidad na meron ang school na ito.

Kasalukuyang nasa 2nd floor na ako at nadaanan ko ang gym. Na curious ako nang kaunti sa kung anong mga kagamitan ang meron sila at namangha naman ako gayung kompleto ang mga gamit nila.

Hindi lang sa kompleto gayung ang mga gamit ay galing sa germany , based sa nakita ko sa litrato at sa tatak ng mga kagamitanKasunod kong pinuntahan ay music club na may sari saring mga instrumento , nakakatuwa lamang sapagkat puro gawa sa ginto ang kagamitan dito.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon