Francese Pov
Habang dahan dahan akong isinasayaw ni Primo , hindi ko din maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Kung inyong pagmamasdan ay napakaamo ng kanyang napakagwapong mukha , maputi , matangkad at napakalalim ng kanyang buloy sa may gilid ng kanyang kaliwang pisngean.
Ang perpektong lalaking ito na laging nababanggit sa amin ng aming guro ay nasa harap ko na. Sa taglay niyang talino at talento ay maraming nagkakarandapa na makasayaw siya ngayong araw at isa ako sa maswerteng babaeng iyun ngunit hindi ko masasabing masaya ako gayung ang taong nais kong makasayaw ngayon ay kasama ng iba.
"You're so beautiful" mahinang wika niya habang hindi inaalis ang tingin niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot sa kanya gayung kitang kita ko naman sa kumikinang niyang mga mata na totoo ang kanyang sinasabi.
Napalingon ako saglit at natanaw si ko si Maxine na kasalukuyang kinakausap ngayon ni Xinn at base sa kanyang mukha ay natutunugan ko na inaaya siya nito upang maisayaw.
Kilala ko si Maxine kapag inayawan niya ang taong iyun ay mananatili ang kanyang desisyon hanggang dulo. Narito man si Grand Dad o wala kaya minsan bilib din ako sa tapang na meron siya. Kaya niya hamakin ang lahat para lang sa kagustuhan niya.
Maxine's Pov
"Maaari ba kitang maisayaw binibini?" Bungad na wika sa akin ni Xinn habang tahimik nakaupo lamang ako sa may upuan ako at nagmamasid masid lamang sa paligid.
"Alam mo na ang kasagutan ng iyong katanungan Xinn kung kaya'y huwag mo nang ipilit pa" mahinahong tugon ko sa kanya , nakita ko namang napakagat labi siya dahil sa aking sinabi marahil ay naaapakan ang kanyang pagka lalaki dahil sa akin.
"As far as I know wala akong naaalala na may ginawa akong masama sayo. Kung kaya'y bakit ganyan ang iyong pakikitungo sa akin?" Pangangatwiran niya na dahilan upang umalma ako.
"Ayan nga ang dahilan kung bakit ako nagagalit sa iyo. Huwag na tayong makipagplastikan at mag gamitan dito Xinn. Alam ko kung ano ang balak at gusto mong mangyari at hindi kita hahayaan na maging matagumpay roon" prangkang tugon ko sa kanya , hindi ako yung taong magagamit niya para sa personal niyang kagustuhan at isa pa kahit na maging kakampi niya man ang lahat sa angkan ko para sa akin ay natitiyak kong ako pa din ang magdidesisyon para sa sarili ko.
Walang sinumang tao ang pwedeng magdikta kung sino ang pwede kong makasama at sino ang hindi. Marahil ay lagi lamang akong sumusunod ngunit may utak din akong ginagamit at may pusong laging sinusunod.
"Is it a sin if I like you?" Napatahimik naman ako nang seryoso niyang sabihin iyun habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
"I'd rather die than to like you back" walang emosyong litanya ko saka akmang lilisanin na ang lugar nang hawakan niya ako sa may palapulsuhan.
"You better know that I always get what I wanted Maxine and that includes you" pagpupumilit niya pa sa akin , napangisi na lamang ako saka muling binara ang kanyang sinabi.
"You must know also that I'm Maxine Natalie Pinlac and ever since I was a child I always get the what I wanted in life and that excludes you" rebat ko saka tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa akin saka naglakad palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee